596 total views
Pinaghahandaan ng Archdiocese of Lipa ang nalalapit na paggunita ng World Day of the Poor sa September 23, 2022.
Ayon kay Father Jayson Siapco, Director ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) magkakaroon ng anim na bahagi ang paggunita.
Una sa mga ito ay ang pagtalima ng 65-limang parokya sa Archdiocese of Lipa sa pagdaraos ng Jubilee Mass na sabay-sabay iasasagawa sa mismong araw ng World Day of the Poor.
Susundan ito ng pamamahagi ng bawat Kindness Centers ng LASAC ng mga tulong na pagkain at kagamitan sa mga mahihirap.
“Pero ang maganda dito, no fund will be coming from the Archdiocese or from the ministry on social service ng Archdiocese kasi ang mechanism dito magmumula ang kanilang pondo doon sa mechanism na mayroon na ang tawag ay ‘Malasackit Bazaar,'” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Siapco hinggil sa pagkukunan ng pondo ng mga programa ngayong taon.
Kasabay ito ng pagpapadala sa mga kawani at volunteers ng LASAC sa mga ‘Mission Caravans’ na pupunta sa mga pinakaliblib na kanayunan ng Batangas upang ipaabot ang tulong base sa pangangailangan ng mamamayan.
Maglulunsad din ang Social Arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ng mga Livelihood Programs na tatagal ng 6-buwan hanggang 1-taon hindi lamang tulungan kungdi pati narin bigyan ng kabuhayan ang mga nangangailangan.
Kasunod nito ang paglulunsad ng “Pastoral Guide Books” ng Arkidiyosesis para sa mga social action ministers ng bawat parokya na laman ang mga paksa sa pagtulong sa mahihirap.
“This time ang gusto naming iparamdam the church goes to their home, ang simbahan mismo ang pupunta at ang simbahan ang dadalahin sa kanilang mga tahanan kaya hindi nalang yung tulong kahit mismo yung mga pastoral leaders ng mga parishes, sila mismo ang pupunta sa kanila para mag-conduct ng ibat-ibang services ng simbahan, magkakaroon rin ng libreng kasal, libreng binyag, libren kumpil, firs communion para sa mga bata,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Siapco.
Bilang paggunita rin sa World Day for the Poor, titipunin ng LASAC ang mga COVID-19 Survivors upang alalahanin ang kanilang naging karanasan kasabay ng pananalangin para sa mga kaluluwa ng mga nasawi ng dahil sa pandemya.
Ang World Day of the Poor ay sinimulan gunitain ng simbahang katolika noong 2017 matapos manawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat isa na paigtingin ang pagtulong sa kapwa higit na sa mga pinaknangangailangan sa lipunan.