538 total views
Binigyang diin ni Cebu Archbishop Jose Palma na bawat isa ay hinamon na maging mabuting katiwala ng Panginoon.
Ito ang pagninilay ng arsobispo sa pagtatapos ng dalawang araw na Cebu Archdiocesan Apostolic Congress on Mercy o CAACOM nitong September 17 at 18 sa Cebu City.
Ayon kay Archbishop Palma hamon sa mananampalataya kung paano palaguin ang kaloob na ipinagkatiwala sa tao.
“Truth is, our parish is the parish of Jesus, our diocese is the diocese of Jesus, and we are only stewards. We are assigned there to do the will of God and therefore, the invitation now is, how do we fulfill the task. How do we dispose, how do we use the gifts, the talents God has given us, “ bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.
Iginiit ng arsobispo na dapat palaguin ang bawat kaloob sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at kawanggawa sa kapwa lalo na sa higit nangangailangan sa pamayanan.
Matatandaang isinusulong ng simbahan sa bansa ang ‘spirituality of stewardship’ kung saan inaanyayahan ang mananampalataya na maging mabuting katiwala sa panahon, talento, at kayamanan.
Dumalo rin sa CAACOM si Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Divine Mercy Philippines Episcopal Coordinator; Fr. Nap Baltazar – Assistant National Coordinator ng Divine Mercy Philippines at isa sa itinalaga ni Pope Francis na Missionary of Mercy; Fr. Prospero Tenorio – Secretary General for Asia ng WACOM; at Fr. Lucas Inoc – Spiritual Director ng Divine Mercy Philippines Archdiocese of Cebu.