236 total views
Pangungunahan ng kaniyang Kabanalan Francisco ang pagdarasal ng ‘Rosaryo’ kasama ang buong mananampalataya ng Italya para sa kagalingan at kaligtasan mula sa pandemic Corona Virus Disease.
Hinihikayat din ang lahat ng bansa para sa Worldwide Rosary kasabay sa itinakdang oras bilang pakikiisa sa sabay-sabay na paghingi ng tulong sa Panginoon dulot na rin ng virus na laganap na sa buong mundo.
“His Holiness Pope Francis will join the whole country of Italy in praying the Rosary for healing and protection against Covid-19. This has now produced a global call to all countries to do likewise, with each time zone joining in and creating a nonstop chain of prayer,” ayon sa post ng Manila Cathedral.
Sa Pilipinas, ito ay isasagawa ngayong Huwebes ika-19 ng Marso ganap na alas-9 ng gabi.
Sa Facebook post ng Manila Cathedral, inaanyayahan ang bawat pamilya sa buong bansa na makiisa at sumabay sa pananalangin ng rosaryo sa kani-kanilang tahanan.
Maari ring sumabay sa panalangin na mapapanood sa Facebook live sa Manila Cathedral Facebook page. “At exactly 9:00pm, we will be live on Facebook as we join this ‘Worldwide Rosary,’ to ask Mary, Health of the Sick, under the loving gaze of St. Joseph, protector of the Holy Family and our families, to bring us to the luminous Face and Heart of Jesus Christ.”
Layunin ng hakbang ang sama-samang panalangin para sa kaligtasan ng bawat pamilya lalu na sa mga may sakit gayundin sa mga ‘frontliners’ na kumakalinga sa mga nagtataglay ng virus tulad ng mga doktor, medical workers at volunteers na patuloy na naglilingkod sa kabila ng panganib na mahawaan din ng sakit.
Maari ring sumabay ng pananalangin ng rosaryo sa Radyo Veritas at Veritas846.ph facebook page Lunes hanggang Sabado tuwing alas-9 ng gabi bago ang programang Hello Father 911.