MSHD ng Diocese of Antipolo, ipinag-utos sa mga Pari na tulungan ang mga nangangailangan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

March 19, 2020, 10:22AM

Hinimok ng Ministry on Social and Human Development ng Diyosesis ng Antipolo ang mga parokya na lingapin ang mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng krisis na idinudulot ng corona virus disease 2019.

Ayon kay Reverend Father Bienvenido Miguel, Jr. ang Director ng ministry, ito ang pagkakataong higit ipadama ang tunay na simbahan ni Kristong kumakalinga partikular sa mga dukha sa lipunan.

“Covid 19 is a test of who we are as a Church and as a society; We have poor neighbors who now face roadblocks that prevent them to meet their basic needs and they have taken food off the tables of the poor thus putting them at risk of malnutrition, which can compromise their body’s abilities to fight off the disease,” pahayag ni Fr. Miguel.

Mungkahi ng pari na gamitin ang pondong nakolekta para sa Alay Kapwa, magsagawa ng soup kitchen katuwang ang mga volunteers ng bawat barangay upang mabigyan ng pagkain ang mga pamilyang walang sapat na mapagkunan.

Panawagan ng pari sa mga mayayamang parokya na tulungan ang mahihirap na komunidad.

“Parishes that are well off may tap their social or emergency fund. Rich parishes may extend pastoral charity towards the poor parishes by assisting their social services,” dagdag ng pari.

Sa mga mahirap na parokya, tutulungan ito ng diyosesis sa pamamagitan ng pondo sa Alay Kapwa.

Iginiit ng pari na dapat magtulungan ang bawat sektor ng lipunan sa pag-agapay sa mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine ngunit dapat ding mahigpit na ipatupad ang safety protocol batay sa abiso ng Department of Health.

“We must work together with the LGUs, In this trying times our poor look up to us for hope and answer,” saad ng pari. Binigyang diin ni Fr. Miguel na sa tulong ng Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria malalampasan ng mundo ang krisis na dulot ng COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,837 total reads

 15,837 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,938 total reads

 52,938 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,208 total reads

 279,208 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,675 total reads

 172,675 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,912 total reads

 265,912 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top