Pagkaka-ospital ng Arsobispo ng Nueva Caceres at Obispo ng Virac, fake news.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total reads

Pinabulaanan ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang kumakalat na maling balita o fake news na siya ay naospital dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 matapos ang kanyang naging pilgrimage sa Israel.

Sa mensaheng ipinadala ng Arsobispo sa Veritas Patrol, inihayag ni Archbishop Tirona na siya ay nasa mabuting kalagayan at sumasailalim lamang sa 14 na araw na Self Quarantine na nagsimula noong ika-8 ng Marso at inaasahang magtatapos sa ika-22 ng Marso.

Ibinahagi rin ng Arsobispo, na mayroon na ring health worker mula sa Department of Health ang personal na tumingin sa kanyang kalagayan noong ika-17 ng Marso na ika-siyam na araw ng kanyang self quarantine kung saan nanatili ang kanyang normal na temperatura at wala ring anumang sintomas ng sakit.

Ayon kay Archbishop Tirona, bukod sa pagpapahinga ay isang pagkakataon rin ang kanyang pagsailalim sa self-quarantine upang patuloy na magkaroon ng katahimikan para makapagnilay at manalangin lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

“(I am) Very OK. May FAKE NEWS dito na naconfine daw ako sa hospital dahil nagpilgrimage kami. Nag Self Quarentine (ako) since March 8 to end (on) March 22. Yesterday nagcheck ang DOH health worker sa akin and normal temperature (ko and) asymptomatic. Tuloy ang self quarantine ko and profiting from it with ample time for silence/solitude, prayer, reading, reflections.” mensahe ni Archbishop Tirona sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Archbishop Tirona na sumasailalim na rin sa self quarantine ang iba pang Bikolanong pari at mananampalataya na kasama sa pilgrimage sa Israel kasama na si Virac Bishop Manolo delos Santos.

Tiniyak naman ng Arsobispo ang kanyang patuloy na pananalangin para sa bawat isa partikular na ang mga nagsisilbing frontliners na tumitiyak sa kapakanan at kalagayan ng bawat isa mula sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 117,546 total reads

 117,546 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,136 total reads

 255,136 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 370,912 total reads

 370,912 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 486,649 total reads

 486,649 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top