Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

WPS, pagmamay-ari ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 39,570 total views

Ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari ng mga Pilipino

Ito ang paninidigan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo matapos kanselahin ng Atin ito Movement ang pagpunta ng Christmas Convoy sa mga isla ng West Philippine sea kasama ang mga volunteers ng ibat-ibang civillian groups layong mamahagi sana ng pamaskong regalo sa mga uniformed personnel at mangingisda sa Lawac Island at Ayungin Shoal.

Ikinalulungkot ni Bishop Pabillo ang pangha-harass ng Chinese Coastguard sa Christmas convoy dahilan upang kanselahin ang paglalayag ng supply mission sa WPS.

Hinahangaan naman ng Obispo ang civilian convoy sa paninindigang magbigay ng kasiyahan sa mga Pilipino na nasa WPS.

“Pero nakakahanga din na mga civillian convoy na pumunta roon at nag-try at least nagtangka sila na magbigay ng kasiyahan sa ating mga kapatid doon po sa ating territories kaya nakakalungkot lang na hinarang sila ng China kaya dapat we need to assert our own territory,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Mariin ang paninindigan ng Obispo na dapat i-assert ng Pilipinas ang pagmamay-ari sa sariling teritoryo na pilit inaangkin ng China.

December 10 ng napagdesisyunan ng Atin Ito Mothership Kapitan Felix Oca na bumalik na lamang ng Palawan matapos subukan lapitan ng tatlong Chinese Coast Guard at Maritime Militia ships habang nasa Kayumanggi Banks na 240-kilometro na lamang ang layo sa Ayunin Shoal.

Sa kabila nito, nakarating parin ang Supply Motorboat Chowee na ikatlong barko ng Christmas convoy matapos paunahin ng Philippine Coast Guard – BRP Melchora Aquino sa Lawac Island kung saan una ng naibigay sa mga sundalo sa lugar ang unang bahagi ng mga regalo.

Nagpasalamat rin si Bishop Pabillo sa mga Atin Ito Movement Organizers at Convenors sa pagkilala sa pakikiisa ng simbahang katolika sa Christmas Convoy na kauna-unahang civillian mission na tinangkang magtungo sa mga isla ng West Philippine Sea.

Kabilang sa Christmas convoy si Father Raymund Camacho bilang kinatawan ng Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan at si Father Robert Reyes ng Diyosesis ng Cubao na magdaraos sana ng misa sa Lawac Island.

“Isa pong karangalan na yung Bikaryato ng Taytay ay nagkaroon ng bahagi sa Convoy na ito sa pag-encourage sa mga tao sa pagbibigay ng ating statement at diyan sa pagpapadala ng Pari natin na maging kasama doon na nagmisa para sa kanila, ito po ay dapat ang tungkulin din po natin sa bayan ay bahagi din ng ating mensahe ng pag-ibig kaya nagpapasalamat tayo sa pagkakataon na naging bahagi tayo ng ganitong initiatives at magtuloy tayo sa pagsuporta sa mga initiative na ganito,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Nobyembre ng unang ihayag nila Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Bishop Kalookan President Pablo Virgilio David at Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang suporta sa Christmas Convoy sa WPS.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,635 total views

 73,635 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,630 total views

 105,630 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,422 total views

 150,422 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,369 total views

 173,369 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,767 total views

 188,767 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 843 total views

 843 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,896 total views

 11,896 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,897 total views

 11,897 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 17,668 total views

 17,668 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 17,218 total views

 17,218 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »
Scroll to Top