83,553 total views

Mga Kapanalig, hindi malayong isa ka sa mahigit 84 milyong aktibong social media users sa Pilipinas. Ang bilang na ito ay katumbas ito ng 72.5% ng ating populasyon. Napakarami nga sa atin ang connected online.

Kaya naman, sa Catholic Social Media Summit na ginanap sa Cebu kamakailan, pinaalalahanan ni Auxiliary Bishop Ruben Labajo ng Cebu ang mga tinatawag na social media communicators na linangin ang tinatawag na virtue of prudence. Kailangan daw maging laging mahinahon at maingat sa pagpo-post at pag-browse sa social media ng mga nasa social communication ministry. Kapansin-pansin daw kasing may mga personal na post ang mga naglilingkod sa Simbahan na salungat sa mensaheng ipino-post nila sa social media platform ng kanilang parokya. Kung gaano ka-wholesome ang inilalagay nila sa page ng kanilang parokya, ganoon naman kabastos ang kanilang ibinabahagi sa kanilang personal na mga account. Habilin ng obispo, ang pagpo-post sa social media ay maging paraan sana na pagiging saksi nila kay Kristo. “Strive to be a witness of Christ,” paalala ni Bishop Labajo.

Napakalaking hamon nito, hindi lamang sa mga nasa social communications ministry ng mga parokya, kundi pati sa ating mga Katolikong gumugugol ng maraming oras sa social media. Alam n’yo bang sa isang araw, ang isang karaniwang Pilipino ay nakatutok sa social media sa loob ng tatlong oras at 43 minuto? Ang tatlong pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ang mga Pilipino ng social media ay: una, ang makahanap ng impormasyon; pangalawa, ang makapag-ugnayan sa mga kaibigan at kapamilya; at pangatlo, ang mag-research kung paano ginagawa ang iba’t ibang bagay.

Pero sa panahong napakaraming content ang umaagaw sa ating atensyon sa tuwing gagamit tayo ng social media—mula sa hiwalayan ng mga sikat na artista hanggang sa mga alingasngas ng iringan ng mga pulitiko—marami sa ating hiráp pigilan ang sariling magbigay ng komento o opinyon. May mga pagkakataon pang ginagatungan natin ang mga isyu at nakapagbibitiw tayo ng masasakit na salita. Ang mas nakababahala, isang click lamang ang kailangan upang makapag-share tayo ng malisyosong impormasyon o kasinungalingan. Parang laging may tuksong maging parte ng usapan, na maging updated sa mga latest na nagaganap, o na hindi maiwan sa kung ano ang uso at mainit sa social media. Tila ba nakasalalay na sa dami ng likes at views ang ating halaga sa social media.

Kaya napakahalagang maging mahinahon at maingat, dahil kung magiging tapat tayong mananampalataya, ayaw nating maging bahagi ng pagkakalat ng kasinungalingan, ng pag-aaway-away, o ng pagdumi sa isipan ng ating kapwa. Magandang paalala lagi sa atin ang nasasaad sa Santiago 1:19: “maging alisto kayo sa pakikinig [at] maingat sa pagsasalita.” Mahalaga ang mga ito sa komunikasyong sumasaksi kay Kristo. 

Kaakibat ng pagiging saksi kay Kristo sa social media ay ang pagiging saksi sa katotohanan. Sa isang misang pinangunahan niya sa Catholic Social Media Summit, binigyang-diin naman ni Archbishop Jose Palma ng Cebu na ang katotohanan ang sandigan ng komunikasyon. Sa ating paggamit ng social media, tayo raw sana ay maging totoo—”speak true, think true, and act true.” 

Kaya naman, ang mga ibinabahagi ba natin sa social media ay totoo? Ang sinasabi ba natin tungkol sa ating kapwa sa social media ay totoo? Ang mga ipino-post ba natin sa social media ay nagbibigay-linaw sa isang usapin o nagdudulot ng kaguluhan at pagdududa?

Mga Kapanalig, makabagong ugnayan ang ibinibigay sa atin ng social media. Makita sana natin ito bilang biyaya sa halip na isang instrumento ng pagsisinungaling, paninira, at pagkakahati-hati. Ang ating komunikasyon sa pamamagitan ng social media ay maging isang pamahid na nagpapagaan ng sakit at isang masarap na alak na nagpapasaya sa mga puso. 

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 47,496 total views

 47,496 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 52,914 total views

 52,914 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 59,621 total views

 59,621 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 74,414 total views

 74,414 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 80,570 total views

 80,570 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 47,497 total views

 47,497 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 52,915 total views

 52,915 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 59,622 total views

 59,622 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 74,415 total views

 74,415 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 80,571 total views

 80,571 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,583 total views

 41,583 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,167 total views

 52,167 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,384 total views

 60,384 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,617 total views

 44,617 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,593 total views

 50,593 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,686 total views

 53,686 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,391 total views

 43,391 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,279 total views

 44,279 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,582 total views

 59,582 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,991 total views

 71,991 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top