100-percent F2F classes, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

Kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commision on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) ang layunin ng Department of Education (DepEd) na maipatupad sa lahat ng paaralan sa buong Pilipinas ang 100% face to face classes.

Ayon kay Bayombong Bishop Elmer Mangalinao, Chairman ng CBCP-ECCCE, kasiyahan ang idudulot ng pahayag para sa mga mamamayan, magulang, guro at mag-aaral na nais ng makabalik sa pisikal na pagdalo sa mga paaralan.

“Sa panukala ng DepEd na magbukas na sa susunod na panturuang taon 2022-2023 na face to face ay napakalaking kasiyahan sa maraming tao ang ganito kaalaman, sapagkat ito ang hinihintay ng marami na magkakaroon na tayo ng face to face schooling ng ating mag-aaral. Welcome gift- welcome announcement yung sinabi nila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mangalinao.

Ipinapaalala naman ng Obispo sa mga paaralan na ipatupad parin ng mahigpit ang health protocols upang matiyak na ligtas ang mga guro, mag-aaral at kawani ng paaralan mula sa banta ng COVID 19 virus.

Hinimok muli ng Obispo ang mga magulang at guardians na makikiisa at pabakunahan ang kanilang mga inaalagaang estudyante.

“Isa siguro na napakamagandang magagawa yung talang himukin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpayag ng mga magulang na sila ay mabakunahan, kapag ang mga bata ay may bakuna mas malaking porsyento na sila ay hindi matamaan o mahawaan ng mga virus na ito kasi everything is in already in place in most of our schools so we just need to ensure that students will be as healthy as they should,” ayon pa kay Bishop Mangalinao.

Batay sa pinakahuling ulat ni Education Secretary Leonor Briones, 34-libong mga public school at higit sa 1,100-private schools noong May 26 ang nagdaraos na ng face-to-face classes.

Base rin sa datos ng DepEd noong Mayo ay 73.28% na ng mga paaralan sa parehong pribado at pampublikong sektor ang handa ng magdaos ng face-to-face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 29,353 total views

 29,353 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 59,576 total views

 59,576 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 86,227 total views

 86,227 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 181,200 total views

 181,200 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 200,463 total views

 200,463 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top