VeritasPH

The Word, The Truth

Piliin ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 230 total views

Mga Kapanalig, nagimbal ang Estados Unidos at ang buong mundo nang maganap ang isa na namang malagim na pamamaril sa isang paaralan doon. Nangyari ito Robb Elementary School sa Uvalde, Texas bago matapos ang Mayo. Labing-siyam na bata at dalawang guro ang namatay. Bagamat milya-milya ang layo sa atin ng Texas, hindi nito maiaalis na ang isyu ng karahasan at pagbibigay-proteksyon sa buhay ng bawat isa ay isang isyung malapit sa puso nating mga Kristiyano.

Ang pamamaril na ito sa Texas ay isang pangyayaring nagpapaalala sa katulad na insidente ng karahasan noong 2012 sa Sandy Hooks Elementary School sa Connecticut kung saan 28 ang napatay. Nariyan din ang pamamaril sa Columbine High School sa Colorado noong 1999, Marjory Stoneman Douglas High School sa Florida noong 2018, at Sante Fe High School sa Texas noong 2018. Hindi hiwalay na isyu ang pamamaril sa Robb Elementary School na nagpaningas muli ng diskusyon ukol sa mas mahigpit na gun control sa Estados Unidos. Ang gun control ay isang usaping palaging lumulutang tuwing nagkakaroon ng mass shooting sa Amerika.

Ang suspek ng pamamaril sa Texas ay isang 18 taong gulang na lalaking ayon sa mga awtoridad ay naunang binaril ang kanyang lola bago nagsimulang barilin nang walang habas ang mga taong nakasalubong niya habang patungo sa paaralan. Wala umanong record ng pagkakasangkot sa krimen o kaya’y mental illness ang suspek. Ayon pa sa mga pulis, mag-isang ginawa ng suspek ang pamamaril. Binili nito ang armas na ginamit sa pamamaril noong tumuntong siya ng 18 taong gulang. Kaya naman, muling umugong ang tanong kung masyado bang bata ang edad ng isang taga-Texas kung kailan pinahihintulutang bumili siya ng baril.

Maliban sa panawagan ng marami na higpitan ang patakaran sa pagbili ng baril o gun control, may mga nanawagan din ng paglalagay ng mas maraming pulis sa mga paaralan na laging target ng karahasan. Ngunit ayon sa mga eksperto, hindi ito magiging epektibo upang mapigilan o maiwasan ang mass shootings sa mga paaralan. Sa halip, maaari pa itong makaragdag sa hindi patas na pagpaparusa at criminalization sa mga mag-aaral na Black at Latino, lalo na’t matinding usapin ang diskriminasyon sa mga people of color sa Amerika. Batay din ito sa mga pag-aaral na nagsasabing hindi makatutulong ang mas maraming pulis sa mga paaralan upang protektahan ang mga bata. Mas mabuti raw na paglaanan ang mga programang katulad ng pagbibigay suporta sa mental health ng mga bata, maagang pagtukoy o early detection sa mga at-risk na mga mag-aaral, at paglinang ng isang kulturang tanggap ang pagkakaiba-iba ng mga tao.

Nagpahayag si Pope Francis ng kanyang matinding pakikiisa sa kalungkutang dala ng trahedyang ito sa Amerika. Aniya, makakaasa ang mga biktima ng pakikisa o spiritual closeness. Hinikayat niya ang lahat na ipagdasal ang mga bata at guro na nasa piling na ng Maykapal. Ipinagdarasal rin daw niya ang paghilom ng mga naapektuhan ng trahedyang ito. Ipinaalala ng Santo Papa ang sinasabi sa Roma 12:21, na hindi tayo dapat “magpadaig sa masama, kundi daigin [natin] ng mabuti ang masama.”

Mga Kapanalig, isa mga prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang peace and nonviolence. Sa pagsusumikap nating hindi gamitin ang karahasan, itinuturo nito sa atin na laging piliin ang kapayapaan. Sa anumang gagawing hakbang ng pamahalaan at komunidad ng Estados Unidos upang protektahan ang mga bata at pigilan ang karahasan, nawa’y gawin nito ito sa pamamagitan ng pagpili sa kapayapaan, hindi sa pamamagitan ng pagdadagdag ng armas o ng mga pulis. Nawa’y gawin nila ito sa pamamagitan din ng pag-udyok sa bawat mamamayang tanggapin at ituring ang iba bilang kanilang kapwa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,744 total views

 5,744 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,280 total views

 13,280 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,266 total views

 29,266 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,311 total views

 37,311 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,391 total views

 42,391 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 5,745 total views

 5,745 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,281 total views

 13,281 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,267 total views

 29,267 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,312 total views

 37,312 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,392 total views

 42,392 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,322 total views

 43,322 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,108 total views

 45,108 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,033 total views

 42,033 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,347 total views

 56,347 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,037 total views

 60,037 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,640 total views

 58,640 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,627 total views

 68,627 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,595 total views

 72,595 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,482 total views

 83,482 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,921 total views

 95,921 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top