12 katao, nasawi sa hagupit ng bagyong Tino sa Canlaon City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,721 total views

Nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring at assessment ng Social Action Center (SAC) ng Diocese of San Carlos matapos ang matinding pinsalang iniwan ng bagyong Tino sa Negros Occidental, lalo na sa Canlaon City.

Ayon kay Fr. Ricky Beboso, SAC Director ng diyosesis, hindi inaasahan ng mga residente ang biglaang pagbaha sa lungsod dahil matatagpuan ito sa mataas na bahagi ng lalawigan.

“Their National roads are now considered river. Unexpected flash flood happened [last Tuesday] because Canlaon [City] is an uphill city. Flooding is never expected in this city,” ayon kay Fr. Beboso

Sa inisyal na ulat ng diyosesis, 12 katao ang kumpirmadong nasawi at 14 pa ang nawawala sa Canlaon City dahil sa biglaang pagragasa ng tubig.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa mga lokal na kinauukulan at relief agencies upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga biktima.

Nanawagan si Fr. Beboso ng sama-samang panalangin at pagkilos para sa mga apektado, at tiniyak ng Diocese of San Carlos ang kanilang patuloy na presensya at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Batay naman sa ulat ng Provincial Government of Negros Occidental, mahigit 134,000 indibidwal o 39,000 pamilya mula sa 29 bayan at lungsod ang labis na naapektuhan ng Bagyong Tino.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 114 ang kumpirmadong nasawi, 82 ang sugatan, at 127 ang nawawala mula sa mga lalawigan ng Antique, Capiz, Iloilo, Bohol, Cebu, Leyte, Southern Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, at Agusan del Sur.

Inaasahan pang madaragdagan ang bilang ng mga nasawi at nawawala habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na labis na sinalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 2,691 total views

 2,690 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 23,965 total views

 23,965 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 197,770 total views

 197,770 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 219,847 total views

 219,847 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top