Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nanawagan sa mga Pilipino na manindigan at papanagutin ang mga sangkot sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,932 total views

Muling nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga Pilipino na manindigan para sa katotohanan, katapatan, at tapang sa gitna ng mga katiwaliang patuloy na sumisira sa tiwala ng mamamayan at sa kinabukasan ng bansa.

Ayon kay Cardinal David, sinusuportahan ng CBCP ang mas malalim na pagtutulungan ng simbahan at sambayanan sa diwa ng synodality — ang sabayang paglalakbay ng pakikinig, pagkilos, at pagtindig para sa kabutihan ng lahat.

“Hindi po tayo kumikilos dahil sa galit, kundi dahil sa pag-asa. Nananawagan po tayo ng pananagutan, pagtatanggol sa katotohanan at pagpapalakas ng ating demokrasya,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na ang katiwalian ay hindi lamang paglabag sa batas, kundi isang mabigat na kasalanang moral na sumisira sa tiwala ng taumbayan at nagpapahina sa pundasyon ng lipunan.

Hinikayat ni Cardinal David ang mga mamamayan na manindigan at papanagutin ang mga sangkot sa maling paggamit ng pondo ng bayan, ibalik ang ninakaw, at wakasan ang sistemang ginagamit ang yaman ng bayan para sa pansariling kapakinabangan.

Para naman sa mga nasasangkot at binabagabag ng konsensya, ibinahagi ng kardinal ang tatlong hakbang tungo sa tunay na pagbabalik-loob — ang pag-amin, pagsisisi, at pagsasauli o pagtutuwid.

“Kapag merong pag-amin, pagsisisi at pagsasauli ay mas madaling lumago ang tunay na pagpapatawad at pagkakasundo,” ayon kay Cardinal David.

Iginiit ng pinuno ng CBCP na dapat manatili ang mga mamamayan sa mapayapang pamamaraan at sa pagsunod sa Saligang Batas, habang aktibong nakikilahok sa demokratikong proseso ng bansa, at tumanggi sa anumang panawagan ng karahasan o hakbang na labag sa batas.

Hinimok din ni Cardinal David ang mga laiko na manguna sa misyon ng pagbabago, at ang mga lingkod-bayan at tagapagtanggol ng batas na manatiling tapat sa Konstitusyon at sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Pinaalalahanan din ng kardinal ang sambayanang Pilipino, anuman ang relihiyon o paniniwala, na magtulungan para sa pagbuo ng lipunang naglilingkod at namamahala nang may pananagutan, sa halip na pairalin ang pribilehiyo at palakasan.

“Ang pag-asa ay hindi salita lamang, kundi sama-samang paninindigan… Sa tulong ng Diyos at sa tapang ng sambayanang Pilipino, mananaig ang liwanag kaysa kadiliman, ang katotohanan kaysa kasinungalingan, at ang pag-ibig kaysa katiwalian… Sama-sama po nating itatayo ang isang bansang marangal, makatarungan, at tunay na malaya,” saad ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 18,150 total views

 18,150 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 85,638 total views

 85,638 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 106,703 total views

 106,703 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 129,311 total views

 129,311 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 165,701 total views

 165,701 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top