12 katao, nasawi sa hagupit ng bagyong Tino sa Canlaon City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,063 total reads

Nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring at assessment ng Social Action Center (SAC) ng Diocese of San Carlos matapos ang matinding pinsalang iniwan ng bagyong Tino sa Negros Occidental, lalo na sa Canlaon City.

Ayon kay Fr. Ricky Beboso, SAC Director ng diyosesis, hindi inaasahan ng mga residente ang biglaang pagbaha sa lungsod dahil matatagpuan ito sa mataas na bahagi ng lalawigan.

“Their National roads are now considered river. Unexpected flash flood happened [last Tuesday] because Canlaon [City] is an uphill city. Flooding is never expected in this city,” ayon kay Fr. Beboso

Sa inisyal na ulat ng diyosesis, 12 katao ang kumpirmadong nasawi at 14 pa ang nawawala sa Canlaon City dahil sa biglaang pagragasa ng tubig.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa mga lokal na kinauukulan at relief agencies upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga biktima.

Nanawagan si Fr. Beboso ng sama-samang panalangin at pagkilos para sa mga apektado, at tiniyak ng Diocese of San Carlos ang kanilang patuloy na presensya at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Batay naman sa ulat ng Provincial Government of Negros Occidental, mahigit 134,000 indibidwal o 39,000 pamilya mula sa 29 bayan at lungsod ang labis na naapektuhan ng Bagyong Tino.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 114 ang kumpirmadong nasawi, 82 ang sugatan, at 127 ang nawawala mula sa mga lalawigan ng Antique, Capiz, Iloilo, Bohol, Cebu, Leyte, Southern Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, at Agusan del Sur.

Inaasahan pang madaragdagan ang bilang ng mga nasawi at nawawala habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na labis na sinalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,610 total reads

 53,610 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,079 total reads

 133,079 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,524 total reads

 166,524 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,822 total reads

 201,822 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,206 total reads

 426,206 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,077 total reads

 157,077 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top