National State of calamity, idineklara ng pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,275 total reads

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magdeklara ng state of national calamity bunsod ng malawakang pinsalang idinulot ng bagyong Tino at ng panibagong bagyong inaasahang papasok sa bansa.

“Because of the scope of problem areas that have been hit by Tino and will be hit by Uwan, there was a proposal from the NDRMC which I approved that we will declare a national calamity,” ani ng Pangulo matapos ang kanyang briefing kasama ang NDRRMC.

Ayon kay Marcos, 12 rehiyon ang direktang naapektuhan o maaapektuhan ng sunod-sunod na bagyo, kabilang na ang Region 6, 7, 8, at Negros Island Region.

“Mabigat talaga ang pagkatama sa Cebu, actually Region 6, 7, 8, Mimaropa, umabot sa Negros Island Region,” saad ng Pangulo.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, patuloy ang ginagawang relief at support operations ng pamahalaan, katuwang ang mga local government units (LGUs) at mga first responders, upang masiguro ang agarang tulong sa mga nasalanta.

“We are doing our usual relief and support activities para lahat ng mga displaced, lahat ng naging biktima ay matutulungan natin ng pamahalaan,” paliwanag ni Marcos.

Gayunman, binigyang-diin din ng Pangulo na habang patuloy ang pagtugon sa mga apektado ng Bagyong Tino, nakatutok na rin ang pamahalaan sa paghahanda laban sa panibagong bagyong “Uwan”, na posibleng ding tumama sa hilagang bahagi ng Luzon, partikular sa Cagayan.

“Unfortunately, meron tayong inaabangan na parating na may potensyal na maging mas malakas pa—itong napangalanang ‘Uwan.’ So we are also preparing for that,” aniya.

Ayon pa sa Pangulo, “The casualty count is very high. I do not want to give a number because we are still in the process of validating all the numbers about the damages.”

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng Malacañang, NDRRMC, at mga lokal na pamahalaan para sa mas pinabilis na distribusyon ng tulong at pagpapatatag ng mga evacuation centers sa mga rehiyong lubhang sinalanta ng bagyo.

Ang pagdedeklara ng state of national calamity ay magpapabilis sa paglalabas ng pondo at paggalaw ng mga ahensya ng pamahalaan upang agarang maihatid ang ayuda, rehabilitasyon, at serbisyong medikal sa mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,486 total reads

 52,486 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,012 total reads

 132,012 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,459 total reads

 165,459 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,757 total reads

 200,757 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,192 total reads

 425,192 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,410 total reads

 16,410 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top