Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Libreng pagpapaaral sa mga anak ng mga nasawing OFW, planong ibigay ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Pinapangarap ng Simbahan na tumayong ina o magulang ng mga anak ng mga Overseas Filipino Workers na nasawi o namatay sa ibang bansa dahil sa kanilang pagtatrabaho doon.

Umaasa si Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People o CBCP-ECMI na magkaroon ng sapat na kakayahan ang kanilang komisyun upang makapagbigay ng scholarship program sa mga maiiwang anak ng mga O-F-W na sinawimpalad sa ibang bansa.

Nauunawaan ni Bishop Santos na iisa ang layunin ng mga OFW sa pag-alis sa bansa na mabigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak na mahihinto lamang kapag may hindi magandang mangyari sa kanila sa ibang bansa.

“Ang pangarap natin na ang ating cbcp ecmi na kung saan ay magkaroon tayo ng sapat na kakayahan at katatagan at foundation na ang lahat ng batang naiwan naulila ng migranting filipino o sa kasamaang palad ay nasawi sa ibang bansa ay sa pamamagitan ng simbahan ay makapagpaaral sa kanila at mula sa elementary hanggang college . Upang yung pangarap ng mga migranteng Filipino na dahil sila ay umalis upang mapagpaaral ang kanilang mga anak ang simbahan naman ang magiging tunay na ina na ito ang gagabay at aako sa panunungkulan at ito ang ating pangrap foundation na scholarship para sa mga nasawi o para sa mga naiwan ng nasawing migranteng filipino.”pahayag ni Bishop Santos

Kasaby nito ang mensahe ng Obispo sa manggagawa sa ibang bansa na ngayong taon ng awa at habag ay palaging isispin na magtatagumpay sila sa kanilang mga pagsasakripisyo at pagtitiiis sa pagtatrabaho at paglayo sa kanilang mga pamilya upang kumita lamang ng pera.

“kami ay kasama ninyo,kami ay katuwang ninyo kahit tayo ay malayo kahit hindi namin kayo nakikita nahahawakan kami ay kasama ninyo higit sa lahat ay sa pananalangin at sa pagdiriwang ng santa misa at parati naming hinihiling sa Diyos na kayo ay maging matatag at maging matibay . alam naman natin na sa taong ito na pagdiriwang ng taon ng awa palagi nating isipin na may awa ang Diyos at sa awa ng Diyos tayo ay magtatagumpay at ang Diyos ay makapangyarihan at mayroon pa siyang magagawang kababalaghan milgaro sa ating buhay,magtiwala tayo sa Diyos at tayo hindi nya pababayaan.” pahayag ni Bishop Santos

Samanatala mula sa datus ng national statistics office o nso umaabot sa 38 libong piso ang napapakinabgan ng pamahalaan sa bawat ofw o may kabuuang 2.3 milyun na mga ofw na remittances sa ating bansa na siya ring nangangailangan ng tulong ng pamahalaan matapos na magkaroon sila ng mga pagsubok sa kanilang pagiging overseas Filipino workers.(Riza Mendoza)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 17,434 total views

 17,434 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,494 total views

 31,494 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,065 total views

 50,065 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,822 total views

 74,822 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 27,613 total views

 27,613 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 5,187 total views

 5,187 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 43,610 total views

 43,610 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 27,533 total views

 27,533 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 27,513 total views

 27,513 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 27,513 total views

 27,513 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
1234567