Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

13th gathering of theology seminarians, opisyal na binuksan sa Cebu

SHARE THE TRUTH

 6,340 total views

Hinikayat ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo ang mga theology seminarian ng Visayas na paigtingin ang buhay pananalangin para sa tinatahak na bokasyong maglingkod sa Diyos at sa kapwa.

Ito ang pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 13th Gathering of Theology Seminarians in the Visayas (GTSV) na ginanap sa Seminario Mayor de San Carlos (SMSC).

Ayon kay Bishop Labajo, sa pananalangin ang pagkakataong makaniig at makausap ang Diyos.

“Praying together builds a community…Praying together eventually leads you to pray for one another,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Labajo.

Gayundin hinimok ng obispo ang mga seminarista sa pagdasal ng Santo Rosaryo lalo ngayong Oktubre na itinalagang Holy Rosary Month bilang pagbibigay parangal sa Mahal na Birheng Maria na gumagabay sa mamayan tungo sa landas ni Hesus.

Kasunod ng Banal na Misa ang opening ceremony sa weeklong celebration na magtatapos sa October 11 kung saan kabilang sa mga dumalo si Cebu Archbishop Jose Palma.

Tampok sa palatuntunan ang turnover ng GTSV cross, pagsapubliko GTSV logo at paglunsad ng themesong batay sa tema ngayong taon na “OREMUS: Embracing Prayer Through Encounter.”

Ang GTSV ay isinasagawa tuwing ikalawang taon na sinimulan noong taong 2000 o mahigit dalawang dekadang pagtitipon ng mga Theology seminarian ng Visayas region na layong palalimin ang ugnayan at bahagi ng paghuhubog sa mga magiging pastol ng simbahang katolika.

“This encounter has been about bringing future priests to dialogue, discernment, and fraternity,” ayon sa Archdiocese of Cebu.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang mga seminarista mula sa mga archdiocesan major seminaries ng Cebu, Palo, Jaro, at Capiz.

Pangungunahan naman ni Archbishop Palma ang closing mass sa October 11 sa alas 10 ng umaga sa Venerable Teofilo Camomot Shrine sa Carcar City, Cebu.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 6,055 total views

 6,055 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 16,597 total views

 16,597 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 25,037 total views

 25,037 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 41,125 total views

 41,125 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 48,738 total views

 48,738 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top