Ihinto ang pamumuhunan sa fossil fuel, panawagan ng Simbahan sa SMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,049 total reads

Nananawagan sa San Miguel Corporation (SMC) ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at stakeholders ng kumpanya na ihinto na ang pamumuhunan sa fossil fuels at lumipat na sa renewable energy.

Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, nagkaisa ang mga mga kasapi, iba’t ibang organisasyon, at social action centers ng simbahan, at stakeholders ng SMC upang hikayatin ang kumpanyang makiisa sa layunin ng Paris Agreement at labanan ang epekto ng umiiral na climate crisis.

“We, members of the Catholic Church and stakeholders of San Miguel Corporation (SMC), urge San Miguel Corporation to take concrete and significant steps to align with the Paris Agreement, particularly by moving away from fossil fuels and transitioning to renewable energy,” ayon sa pahayag.

Binigyang-diin sa pahayag na patuloy na pinalalawak ng kumpanya ang coal power plants at fossil gas operations, partikular na sa Verde Island Passage na itinuturing na “center of the center of marine shore fish biodiversity” sa buong mundo.

Magugunita naman ang naganap na oil spill kung saan sangkot ang kumpanya, sa Oriental Mindoro noong February 2023 at sa Bataan noong July 2024, na nagdulot ng labis na pinsala sa kapaligiran, kabuhayan ng libo-libong mangingisda, at kalusugan ng mga pamayanan.

“These developments show the damages of the environment, livelihood, and health brought by SMC’s fossil fuel expansion. We, members of the Church, who have a responsibility towards our Common Home, are saddened that the resources we have entrusted to the company are being used to fuel such destruction,” saad ng mga kasapi ng simbahan at stakeholders ng korporasyon.

Hinihikayat naman ang nasabing multinational conglomerate na maglunsad ng mga plano upang makiisa sa pandaigdigang layuning mapanatili ang temperatura ng mundo ng mas mababa sa 1.5-degrees Celsius, at magdesisyon na talikuran ang mga fossil fuel asset at mamuhunan sa mas malinis na enerhiya.

Hinihiling din ang pagiging tapat at malinaw ng SMC sa pamamahala sa mga kaakibat na panganib ng fossil fuel projects, at ang pagtugon sa “Net-Zero commitment”.

Muli namang nanindigan ang simbahan sa pangakong pagtalikod sa mga korporasyon at financial institutions na bigong makalikha ng mga polisya alinsunod sa Paris Agreement.

“We, members of the Church and shareholders of the corporation, urge the company to take the right steps and act according to its capability to contribute to protecting Our Common Home, as this is the only way we can ensure global solidarity and social justice,” giit ng pahayag.

Taong 2019 nang magkasundo ang mga obispo sa Pilipinas na mag-divest sa mga negosyo at proyektong gumagamit ng marumi at mapaminsalang enerhiya. Higit pa itong pinaigting ng CBCP noong 2022, at hinikayat ang paghinto sa pamumuhunan sa maruming industriya, at sa halip ay ilaan sa pagpapaunlad ng renewable energy sector.

Kabilang sa mga lumagda at nakiisa sa panawagan ang pitong shareholders kabilang ang Archdiocese of Manila at Diocese of Imus, at 76-stakeholders na kinabibilangan ng mga social at ecology arm ng iba’t ibang diyosesis sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 71,180 total reads

 71,180 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 108,722 total reads

 108,722 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 142,851 total reads

 142,851 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 199,256 total reads

 199,256 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,649 total reads

 179,649 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top