13th gathering of theology seminarians, opisyal na binuksan sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,787 total reads

Hinikayat ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo ang mga theology seminarian ng Visayas na paigtingin ang buhay pananalangin para sa tinatahak na bokasyong maglingkod sa Diyos at sa kapwa.

Ito ang pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 13th Gathering of Theology Seminarians in the Visayas (GTSV) na ginanap sa Seminario Mayor de San Carlos (SMSC).

Ayon kay Bishop Labajo, sa pananalangin ang pagkakataong makaniig at makausap ang Diyos.

“Praying together builds a community…Praying together eventually leads you to pray for one another,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Labajo.

Gayundin hinimok ng obispo ang mga seminarista sa pagdasal ng Santo Rosaryo lalo ngayong Oktubre na itinalagang Holy Rosary Month bilang pagbibigay parangal sa Mahal na Birheng Maria na gumagabay sa mamayan tungo sa landas ni Hesus.

Kasunod ng Banal na Misa ang opening ceremony sa weeklong celebration na magtatapos sa October 11 kung saan kabilang sa mga dumalo si Cebu Archbishop Jose Palma.

Tampok sa palatuntunan ang turnover ng GTSV cross, pagsapubliko GTSV logo at paglunsad ng themesong batay sa tema ngayong taon na “OREMUS: Embracing Prayer Through Encounter.”

Ang GTSV ay isinasagawa tuwing ikalawang taon na sinimulan noong taong 2000 o mahigit dalawang dekadang pagtitipon ng mga Theology seminarian ng Visayas region na layong palalimin ang ugnayan at bahagi ng paghuhubog sa mga magiging pastol ng simbahang katolika.

“This encounter has been about bringing future priests to dialogue, discernment, and fraternity,” ayon sa Archdiocese of Cebu.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang mga seminarista mula sa mga archdiocesan major seminaries ng Cebu, Palo, Jaro, at Capiz.

Pangungunahan naman ni Archbishop Palma ang closing mass sa October 11 sa alas 10 ng umaga sa Venerable Teofilo Camomot Shrine sa Carcar City, Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 73,646 total reads

 73,646 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 111,044 total reads

 111,044 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 145,173 total reads

 145,173 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 201,580 total reads

 201,580 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top