20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,417 total views

Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025.

Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches bilang paggunita sa idineklarang Jubileo ni Pope Francis para sa susunod na taong 2025.

Bilang higit na pagpapalawig sa misyon ng Simbahan na maging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa bawat nilalang ay kabilang sa partikular na tinukoy ng arkidiyosesis ang mga Simbahan na maaring bisitahin ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang higit na maging epektibo sa pagbabahagi ng tunay na diwa ng Taon ng Jubileo at ng iba pang mga sakramento lalo’t higit ang sakramento ng kumpisal.

Kabilang sa mga partikular na sektor na tinukoy ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mga opisyal ng pamahalaan; mga may karamdaman, kapansanan at health care workers; mga kabataan at mag-aaral; mga katekista at ibang church volunteer workers; mga mahihirap at ulila; mga Persons Deprived of Liberty at kanilang pamilya; mga migrants at refugees; mga digital communicators; mga kabilang sa iba’t ibang mga denominasyon; mga nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan; mga matatanda; mga negosyante at mamumuhunan; mga young professionals; mga guro; at mga manggagawa.

Samantala, idineklara rin bilang Jubilee Churches ang ilang mga pambansang dambana at minor basilica na matatagpuan sa Arkidiyosesis ng Maynila na kinabibilangan ng Minor Basilica of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral; National Shrine of Saint Jude Thaddeus; Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church; National Shrine of Saint Michael & The Archangels; at Minor Basilica of San Sebastian o Our Lady of Mount Carmel Parish.

Attached List of Jubilee Churches:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 65,753 total views

 65,753 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 65,753 total views

 65,753 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 65,753 total views

 65,753 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 63,739 total views

 63,739 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 58,245 total views

 58,245 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top