536 total views
Dalawampu’t tatlong minahan ang ipasasara ng Department of Environment and Natural Resources matapos ang masusing pagsusuri sa 41 metallic mines sa Pilipinas.
Iginiit ni Environment Secretary Gina Lopez na ang Social Justice ang magiging puso at kaluluwa ng DENR.
Tiniyak din ng kalihim na hindi magbabago ang kanyang prinsipyo at paninindigan sa pangangalaga sa kalikasan.
“My issue here today and the rhyme and reason why we are doing everything in DENR, the issue and the heart within the Philippine constitution which is Social Justice.” pahayag ng Kalihim.
Kaugnay dito ang mga kumpanyang ipasasara ng DENR ay ang sumusunod:
BENGUET
Benguet Corporation
BULACAN
Ore Asia Mining and Development Corporation
ZAMBALES
BenguetCorp Nickel Mines, Inc.
Eramen Minerals Inc.
Zambales Diversified Metals Corporation
LNL Archipelago Minerals, Inc.
HOMONHON
Mt. Sinai Mining Exploration and Development Corp.
Emir Minerals Corp.
TechIron Mineral Resources, Inc.
DINAGAT ISLAND
AAMPHIL Natural Resources Exploration
Kromico, Inc.
SinoSteel Philippines H.Y. Mining Corp.
Oriental Synergy Mining Corporation
Wellex Mining Corporation
Libjo Mining Corp.
Oriental Vision Mining Phils. Corp.
SURIGAO DEL NORTE
ADNAMA Mining Resources Corp.
Claver Mineral Development Corp.
Platinum Development Corp.
CTP Construction and Mining Corp,
Carrascal Nickel Corp.
Marcventures Mining and Development Corp.
Hinatuan Miing Corporation
Patuloy naman ang suspensyon ng limang kumpanyang Berong Nickel Corp., Oceana Gold Phils. Inc., Lepanto Consolidated Mining Corp., Citinickel Mines and Development Corp., at Strong Built Mining Development Corporation, habang tinatapos pa nito ang rehabilitation sa mga apektadong komunidad.
Samantala, dumalo rin sa press conference si Lipa Abp. Ramon Arguelles, bilang pagpapakita ng suporta sa naging resulta ng mining audit at sa mga proyekto ni Lopez sa pag papaunlad ng eco tourism sa bansa habang pinangangalagaan ang kalikasan.
Matatandaang nagpaabot ng liham si Abp. Arguelles kay Pangulong Rodrigo Duterte upang umapela na panatilihin bilang kalihim ng DENR si Lopez, upang magpatuloy ang magandang nasimulan nito sa pangangalaga sa kalikasan.