229 total views
Tunay na nakakarating sa mga nangangailangan ang pondo na nilikom ng Simbahang Katolika para sa kalamidad.
Ito ang tiniyak ng NASSA/Caritas Philippines matapos mapakinabanggan ng mga Diocese sa Mindanao na apektado ng mga pagbaha ang kanilang pondo mula sa Alay Kapwa para itulong sa mga apektadong residente.
Ayon kay NASSA/Caritas Phippines Communication Officer Jing Rey Henderson, sa pamamagitan ng Alay Kapwa ay nakatugon ang mga parokya sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Naniniwala si Henderson, na dahil na rin sa mga nakalipas na pinsala ng kalamidad sa bansa ay pinatunayan lamang nito ang kahalagahan ng pagtugon ng Simbahan hindi lamang sa pastoral services nito kundi maging sa mga programa upang makabangon ang mga mahihirap at biktima ng kalamidad.
“The disasters that happened in the last three years have opened the eyes of the Church into a realization that pastoral work is not anymore enough to respond to the signs of the times. We have to already embrace, provide for and link humanitarian programs to development actions to build more holistic and sustainable communities. The Alay Kapwa fund which is in most cases the emergency fund of the dioceses and of NASSA/Caritas Philippines became the church’s concrete response to the challenge of resiliency.” mensahe ni Henderson sa Veritas 846.
Kaugnay nito, inaasahan ng Caritas Philippines na lalo pang palalakasin ng mga Diocese sa Pilipinas ang kanilang programa para sa Alay Kapwa upang maabot ang mas maraming nangangailangan.
“As more and more dioceses benefit from Alay Kapwa, especially those most affected by disasters and conflicts, there is now an increasing trend of dioceses strengthening their own Alay Kapwa programs, not only as a resource mobilization mechanism, but more importantly, as an evangelization strategy.”
Matatandaang sa panahon ng kuwaresma ay naglalaan ang mga parokya ng special collection para sa alay kapwa program.
Noong nakaraang taong 2016 nagsagawa ang Radyo Veritas at Caritas Manila ng Telethon para sa Alay Kapwa kung saan nakalikom ito ng ng 3 milyong piso na siyang ginagamit ng Caritas Manila para itulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.