2nd collection sa unang Lingo ng Kuwaresma, ilalaan para sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

 239 total views

Patuloy na ipagdasal at tulungan ang mga Overseas Filipino Workers maging ang kanilang mga kamag-anak na naiiwan sa bansa.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay na rin sa pagdiriwang ng simbahan ng 32nd National Migrants’ Sunday.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang ‘Welcoming Protecting and Integrating Migrants and Refugees na base sa panawagan ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa World Day of Migrants na ginanap noong Enero.

“The National Migrants Sunday is dedicated to the heroism and sacrifices of OFW’s and their families,” ayon sa pahayag.

Ang pagdiriwang ay kasabay rin sa pagkilala ng simbahan sa kabayanihan at paghihirap ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya.

Sa inilabas na circular ng Archdiocese of Manila, pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga parokya na ang 2nd collection para sa unang Linggo ng Kuwaresma ay ilalaan para sa National Migrants Sunday.

“This is also to remind parishes of the second collection on the 1st Sunday of Lent for the National Migrant Sunday,” ayon sa circular letter na nilagdaan ni Cardinal Tagle.

Base sa tala ang Pilipinas ay may tinatayang 2.2 milyong Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa na ang pinakamarami ay matatagpuan sa Gitnang Silangan.

At kamakailan lamang ay ilang pang-aabuso ang naiulat kabilang na ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang O-F-W sa Kuwait na nagbunsod na ipatupad ng Pilipinas ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa nasabing.

Ang hakbang ay sinang-ayunan naman ni CBCP-Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrant and Itinerant People, Balanga Bishop Ruperto Santos kasabay na rin ng panawagan sa pamahalaan na paglikha ng mas maraming trabaho dito sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,805 total views

 21,805 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 39,218 total views

 39,218 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,862 total views

 53,862 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,689 total views

 67,689 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,746 total views

 80,746 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top