I-alay sa kawanggawa ang matitipid ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 366 total reads

Hinikayat ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga mananampalataya na dalhin sa mga kawanggawa ang kanilang matitipid mula sa pag-aayuno at pangingilin ngayong Kuwaresma.

Ayon sa obispo, mahalagang mapunta sa kawanggawa ang ating masisinop na salapi upang maging makabuluhan ang ating paghahanda sa Lenten season.

“Yung natitipid natin sa fasting at abstinence, isinasantabi natin ito for scholarship. Ganundin iyong paanyaya yung diyosesis na connected sa Pondo ng Pinoy umpisahan ang mga feeding program para sa undernourished na mga bata. Kasi ang minimithi natin na matulungan sila,” ayon kay Bishop Mallari.

Dagdag pa ng obispo, maraming mga organisasyon at sangay ang simbahan na nagsasagawa ng feeding at scholarship program na maaring paglagakan ng ating matitipid.

“Mahalaga na ginagawa nating pagtulong this will also help the future of our country,” dagdag pa ng Obispo.

Sa pastoral letter na inilabas ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hinikayat nito ang bawat isa na makibahagi sa paglulunsad ng Pondo ng Pinoy– ang Fast2Feed 2018 para sa pagpapatuloy ng pagpapakain sa mga kabataan na kulang sa nutrisyon sa pamamagitan ng P10 donasyon kada araw o P1,200 kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Target ngayong taon ang pagpapakain sa may 20,000 mga kabataan.

Sa kabuuan may higit na sa 2 milyong kabataan ang nakinabang sa nasabing programa.

Base sa 2016 report ng Inter-Agency Regional Analyst Network at Action Against Hunger ang mababang nutrisyon pa rin ang pangunahing problema sa bansa kung saan tinatayang 3.4 milyong kabataan kabilang sa mga ito 300,000 kabataang kulang sa timbang na nasa edad 5 taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,965 total reads

 33,965 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,547 total reads

 70,547 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,758 total reads

 88,758 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,086 total reads

 173,086 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,912 total reads

 208,912 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top