3 pinuno ng simbahan sa Pilipinas, kinatawan sa Synod on Synodality sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,617 total reads

Tatlong pinuno ng simbahan ang magsisilbing kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping Synod on Synodality kasama ang Santo Papa Francisco na gaganapin sa Vatican sa Oktubre.

Ayon sa inilabas na listahan ng Holy See kabilang sina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara at pangulo at pangalawang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Magiging bahagi din ng delegasyon sa pagtitipon si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Ang talaan ay isinapubliko ng Vatican, tatlong buwan bago ang nakatakdang pagtitipon upang talakayin ang mga nakakalap na usapin sa mga lokal na simbahan sa buong mundo.

Tatlong bahagi ng 364 na voting delegates ng 16th Ordinary General Assembly ng Synod of Bishops ang pinili ni Pope Francis kabilang na sina American Jesuit Father James Martin; ang dating prefect of the Congregation of the Doctrine of the Faith Cardinal Gerhard Ludwig Müller, at Cardinal Blase Cupich ng Chicago.

Sa unang pagkakataon, kinilala rin ng Vatican ang pakikibahagi ng mga layko sa Synod of Bishops bilang mga miyembro at ang karapatan na makaboto sa ilalabas na final document sa pagtatapos ng sinodo sa October 2024.

Kabilang din sa mga napili ng Santo Papa ang 124 na delegado kabilang na sina Cardinal Wilton Gregory ng Washington, D.C., Archbishop Paul Etienne ng Seattle, Cardinal Sean O’Malley ng Boston, at Cardinal Robert McElroy ng San Diego.

Umaabot din sa 50 ang kababaihan ang kabilang sa pagtitipon.

Ilan naman sa mga layko na makikibahagi sa pagtitipon ay sina Cynthia Bailey Manns- director of adult learning sa St. Joan of Arc Catholic Community sa Minneapolis, Minnesota, at Wyatt Olivas mula sa Wyoming, gayundin ang mga delegadong layko mula sa Europa na sina Enrique Alarcón Garcia, ang pangulo ng Spain-based Christian Fraternity of Persons with Disabilities.

Una na ring Ipinalimbag na ng General Secretariat of the Synod ang dokumento na ‘Instrumentum Laboris’ na magiging gabay sa dalawang bahagi ng General Assembly sa Vatican.

Ang dokumento ay binubuo ng 60-pahina na naglalaman ng mga nakalap na karanasan ng mga lokal na simbahan sa buong mundo, kabilang na ang usapin ng digmaan, pang-uusig at epekto ng pabago-bagong klima.

Ang Instrumentum Laboris ay ang gagamiting batayan ng mga dadalo sa General Assembly of the Synod on Synodality na itinakda sa Oktubre ngayong taon, at ang ikalawang bahagi naman ay sa Oktubre ng 2024.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,146 total reads

 44,146 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,030 total reads

 156,030 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,400 total reads

 241,400 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,138 total reads

 288,138 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,006 total reads

 336,006 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,127 total reads

 432,127 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,148 total reads

 44,148 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top