40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 858 total views

Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa Nobyembre 14, kasabay naman ng paggunita sa World Day of Prayer for the Poor.

“We encourage our Kapanaligs to join us in daily prayer to prepare this journey for our Common Home,” paanyaya ni LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Layunin ng apatnapung araw na pananalangin na suportahan ang pitong sektor ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP) na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo at ang mga nasa religious orders.

Ito ang sama-samang pagtutulungan ng mga komunidad na kabilang sa LSAP para sa pagiging mga mabuting katiwala ng ating inang kalikasan upang matagumpay namang maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals:

– Response to the cry of the earth;
– Response to the cry of the poor;
– Ecological economics;
– Adoption of simple lifestyles;
– Ecological education;
– Ecological spirituality; and
– Community engagement and participatory action

“From our families, parishes and dioceses, schools, healthcare community, economic sector, organizations and groups, and religious orders and missions, as stewards we shall act together to achieve the goals of Laudato Si’. Let us thank God for the gift of creation we ought to care, restore and regenerate,” ayon kay Galicha.

Dito’y mayroon ding nakalaang mga araw ng panalangin sa bawat sektor ng LSAP na nag-uugnay sa Laudato Si’ Goals.

Ang 40-day prayer campaign ay pangungunahan ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development katuwang naman ang LLS Philippines.

Magugunita sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinikayat nito ang bawat mamamayan na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat komunidad para sa iisang adhikaing pangalagaan ang sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 65,752 total views

 65,752 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 65,752 total views

 65,752 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 65,752 total views

 65,752 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 63,738 total views

 63,738 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 58,244 total views

 58,244 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top