Kaparian sa Diocese of Iba, hinimok ni Bishop Santos na isabuhay ang accompaniment sa paglilingkod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,162 total reads

Nanawagan si Iba, Zambales Bishop Bartolome Santos sa mga pari na isabuhay ang “accompaniment” o tunay na pagsama sa kanilang paglilingkod, sa kanyang pagninilay sa ginanap na Chrism Mass sa Saint Augustine Cathedral Parish noong Martes Santo.

Ayon kay Bishop Santos, ang pagiging sinodal na pari ay nangangahulugang handang samahan ang bayan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon—lalo na sa gitna ng hirap, pagdurusa, at pagkakasala.

Iginiit ng obispo na ang pagsama ay hindi lamang simpleng presensya, kundi pakikibahagi sa pinagdaraanan ng kapwa.

“Sapagkat noon pa man ay sinodal na ang Diyos-sumasama. Napakahalaga pong bahagi ng sinodality ang accompaniment… Bakit? Sapagkat ang Diyos, He accompanied His people since the beginning until the present time. Hindi niya po iniwanan ang kanyang bayan,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na tulad ni Hesus, ang pari ay tinatawagan na lumapit sa mga nasa laylayan—mga makasalanan, may sakit, at mga itinatakwil—at hindi matakot lumusong sa putikan upang iahon ang mga nangangailangan.

Paliwanag pa niya, ang ganitong uri ng pagsama ay maaaring maging mahirap, masakit, at nakakapagod, ngunit ito ang tunay na anyo ng pagmamahal at paglilingkod na inaasahan sa mga lingkod ng Simbahan.

Dagdag pa niya, ang biyaya ng langis na tinanggap sa ordinasyon ay paalala ng tungkulin ng mga pari na maglingkod sa mga nangangailangan.

“Ang mga may sakit, ang mga nangungulila, ang mga nahihirapan, ang mga nawawalan ng pag-asa, ang mga nalalayo na sa Diyos ay samahan nila… Let us walk together. Let us go with each other. Walang iiwanan. ‘Yun na nga ang bukambibig ng synodality—nobody will be left behind,” giit ni Bishop Santos.

Sa huli, hinimok ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga obispo, pari, relihiyoso’t relihiyosa, at mga layko na nag-alay ng buhay sa paglilingkod sa Simbahan.

“Kung ang mga pari ay pagmamahal ng Diyos sa inyo, kayo din ay pag-ibig ng Diyos sa amin. Sama-sama po tayong maglakbay—umahon, umakyat, pumaroon—at sumamba sa Diyos na maawain at mapagmahal,” ayon kay Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,113 total reads

 10,113 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,445 total reads

 238,445 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,911 total reads

 131,911 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,940 total reads

 225,940 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,778 total reads

 269,778 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,053 total reads

 149,053 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top