We are anointed to bring the good news, Bishop Cañete sa mga pastol ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,404 total reads

Ibinahagi ni Gumaca Bishop Euginius Cañete na ang pagpapahid ng banal na langis, lalo na sa mga pastol ng simbahan, ay paalala ng malinaw na misyon ng bawat Kristiyano.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Misa ng Krisma sa Gumaca Cathedral, iginiit ng obispo na ang pagpapahid ng langis ay hindi lamang simbolo kundi isang pagtatalaga upang higit na maging kawangis ni Kristo at maglingkod sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

“We are anointed to bring good news to the poor… Hindi lang tayo mapuspos ng lakas mula sa Espiritu… kundi maging higit na katulad ni Kristo,” ayon kay Bishop Cañete.

Paliwanag ng obispo na ang banal na langis, lalo na ang Krisma, ay tanda ng pagkilos ng Espiritu Santo sa buhay ng mananampalataya, na nagbibigay ng lakas, paggaling at panibagong buhay sa gitna ng karamdaman at pagsubok.

“Para bagang isang bagong buhay ito para sa may sakit… hindi na takot kundi tiwala at pananampalataya,” dagdag ng obispo.

Sa kanyang mensahe sa mga pari ng diyosesis, binigyang-diin ng obispo ang kahalagahan ng pagiging malapit sa kawan sa gitna ng lumalalim na hamon ng panahon.

“Ang pari ay dapat malapit sa tao… marunong makibahagi sa karanasan ng paghihirap ng tao,” dagdag pa ni Bishop Cañete.

Hinimok din ng obispo ang kaparian na yakapin ang diwa ng pagiging sinodal at ng isang Simbahang nakikinig at nakikiisa sa bayan.

“Paring sinodal… hindi diktador, marunong makinig sa tao,” giit pa ng obispo.

Ayon kay Bishop Cañete, nagbabago ang kalagayan ng lipunan at nagiging mas komplikado ang misyon ng kaparian, lalo na sa mabilis na paglago ng teknolohiya, kaya’t kinakailangan ang patuloy na katapatan sa tawag ng Diyos at kakayahang tumugon sa “signs of the times.”
Kasabay ng Misa ng Krisma, muling pinagtibay ng mga pari ng diyosesis ang kanilang pangako sa paglilingkod na isang paanyaya hindi lamang sa kaparian kundi sa lahat ng binyagan na makibahagi sa misyon ni Kristo bilang pari, propeta at hari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 66,509 total reads

 66,509 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,937 total reads

 98,937 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 200,763 total reads

 200,763 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 241,321 total reads

 241,321 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,070 total reads

 259,070 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top