Radio Veritas, paiigtingin pa ang pagiging boses ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 122,386 total reads

Naninindigan ang Radio Veritas na ipagpatuloy ang pagiging tinig ng katotohanan at pag-asa sa gitna ng lumalalang krisis sa lipunan sa pagdiriwang ng ika-57 anibersaryo ng himpilan.

Sa mensahe ni Fr. Roy Bellen, Pangulo ng himpilan, iginiit na nananatiling mahalaga ang papel ng media ng Simbahan lalo na sa panahon ng kaguluhan at paghihirap.

“Amid ongoing social issues, war-related suffering, and economic struggles, Radio Veritas is committed to its prophetic role,” pahayag ni Fr. Bellen.

Binigyang-diin ng pari ang misyon ng himpilan na magsilbing boses ng mga naaapi at tagapagtaguyod ng katotohanan sa lipunan.

“We aim to give a voice to the voiceless, uphold truth with charity, and support the faithful with uplifting messages,” ayon pa sa pari.

Iniugnay ni Fr. Bellen ang misyon ng media arm ng Archdiocese of Manila sa diwa ng Mahal na Araw, partikular sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Hesus na patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa mamamayan sa gitna ng mga hamong kinakaharap.

Ayon sa pari, ang muling pagkabuhay ni Kristo ang patunay na mananaig ang pag-asa sa kabila ng anumang pagsubok.

“The suffering and death of our Lord Jesus Christ remind us that darkness and despair do not have the final word. Christ’s resurrection from the tomb signifies new life, triumphing over darkness, conflict, and despair,” dagdag pa ni Fr. Bellen.

Sa loob ng 57 taon, patuloy na nagsisilbing tanglaw ng pananampalataya at katotohanan ang Radio Veritas, na may paninindigang ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan.

“Today, we reaffirm our mission… to be the light in confusion, a voice of peace in division, and a witness of hope in trials,” saad ng pari.

Sa kabila ng iba’t ibang hamon sa lipunan, nananatiling buo ang tiwala ng himpilan na patuloy itong gagabayan ng Diyos tungo sa pagbabagong may pag-asa at tagumpay.

Itinatag ang Radio Veritas kasunod ng pagpupulong ng mga obispo mula sa Asya at Oceania noong December 10, 1958 sa University of Santo Tomas, na may layuning magtatag ng isang himpilang Katoliko para sa ebanghelisasyon at paghahatid ng balita.

Pormal itong binuksan noong April 11, 1969 sa Fairview, Quezon City, sa pangunguna nina Cardinal Antonio Samorè na kinatawan noon ng Vatican at Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos. Noong 1970, binisita at binasbasan ni noo’y santo papa St. Paul VI ang estasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 56,020 total reads

 56,020 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,517 total reads

 116,517 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,793 total reads

 135,793 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,447 total reads

 216,447 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 315,628 total reads

 315,628 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top