5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,811 total views

Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa.

Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang paghahain sa Commission on Elections (COMELEC) ng disqualification cases laban sa limang kilalang political dynasties sa bansa noong ika-18 ng Oktubre, 2024.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng ilang pamilya sa pulitika.

“These political dynasties have turned politics into a family business, using the machinery of our government, for their personal enrichment rather than the public good.”pahayag ni Bishop Bagaforo

Binigyang diin naman ni Bishop Alminaza ang negatibong epekto sa pagkawala ng checks and balance safeguards ng pamamahala sa bansa dahil sa patuloy na pag-iral ng dinastiya na isang ugat ng katiwalian at paglapastangan sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Ikinalulungkot ni Bishop Alminaza na marami sa mga pulitiko ay nawalan na ng delicadeza.

“Many politicians seem to have lost their delicadeza. They seem to be unmindlful of the seven social sins attributed to Gandhi, one of which is “politics without principles”. With the present proliferation of political dynasties in our country – blatant violation of our Philippine Constitution – the checks and balance safeguards are lost, corruption is becoming worse and our social ills remain unsolved. No wonder until now, true and lasting remains elusive.” pahayag ni Bishop Alminaza.

Katuwang nina Bishop Bagaforo at Bishop Alminaza sa paghahain ng disqualification case ang ilang retired senior military officers na sina Major General Reynaldo Reyes ng AFP, Major General Wilfredo Franco at Brigadier General Noel Delos Reyes ng PNP, Col Guillermo Cunanan (PA), at Capt Roberto Yap (PA) na pawang mga kasapi rin ng ANIM.

Kabilang sa limang kilalang political dynasties sa bansa na ipinetisyon ng ANIM ay sina former President Rodrigo Duterte na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Davao City, Governor Matthew Marcos Manotoc sa Ilocos Norte, House Speaker Martin Romualdez sa Leyte, Senator Cynthia Villar sa Las Piñas, at Vice-Governor Peter Cua ng Catanduanes.

Unang nanawagan ang koalisyon sa publiko upang maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng mga incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang tuluyang ng mawakasan at malimitahan ang pananatili sa posisyon ng mga dinastiyang angkan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 30,604 total views

 30,604 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 115,363 total views

 115,363 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 132,995 total views

 132,995 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 178,178 total views

 178,178 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top