Naglilingkod sa mga bilanggo, kinilala ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,244 total reads

Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ang mahalagang tungkulin ng mga naglilingkod sa mga nasa bilangguan o persons deprived of liberty (PDLs) tungo sa pagkamit ng pag-asa at panibagong buhay.

Ito ang pagninilay ni Legazpi Bishop Joel Baylon, vice chairman ng CBCP-ECPPC, para sa pagbubukas ng ika-37 Prison Awareness Week sa CBCP Chapel sa Intramuros, Maynila nitong October 21.

Ayon sa obispo, ang paglilingkod sa mga bilanggo ay isang pagsubok dahil sa kaakibat na diskriminasyon sa mga itinuturing na pinakahuli, pinakaligaw, at pinakawalang halaga sa lipunan.

Gayunman, sinabi ni Bishop Baylon na ang pagsisikap ng mga Volunteers in Prison Service (VIPS) ay naghahatid ng pag-asa para sa mga naligaw ng landas at nagnanais muling magbago mula sa nagawang pagkakamali.

“It is only by the grace of God that we also begin to understand or appreciate even more the little successes that we have. The courage that we are able to have in our hearts to believe na itong ginagawa natin may patutunguhan. Itong paglilingkod natin sa mga nasa bilangguan ay mahalaga kasi binibigyan natin sila ng pag-asa,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Baylon.

Iginiit naman ng obispo na hindi lamang ang mga PDL ang kailangang matuto ng pagbabago, kundi maging ang mga nasa labas ng bilangguan ay dapat mamulat na ang mga bilanggo, bagamat nakagawa ng pagkakamali, ay may kakayahang magbago.

Sinabi ni Bishop Baylon na ang pagbabalik-loob at pagbabagong-buhay ng mga PDL ay isang kahanga-hangang bagay na nararapat tanggapin at ipagdiwang ng buong pamayanan.

Inihayag naman ng obispo na ang simbahan ay isang pamilyang tumatanggap at umaakay sa lahat, walang iniiwanan, at bawat isa, kabilang ang mga PDL, ay may lugar sa loob ng simbahan at ng lipunan.

“Only with the grace of God can this be achieved. But the Holy Father calls us to journey together. No one is left behind.
Everybody is welcome. And yes indeed, may our brothers and sisters who are now languishing in jail, the PDLs may truly look forward with hope that when they come out, society, the church, people, will make them feel welcome again,” ayon kay Bishop Baylon.

Tema ng ika-37 Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo “Ang Simbahan katuwang ang VIPS: Kaagapay sa Pagbabagong Punong-puno ng Pag-asa” o The Church thru the VIPS: Partners of the PDLs in their Journey Towards Wholeness with Full of Hope.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 7,771 total reads

 7,771 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 10,182 total reads

 10,182 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 9,886 total reads

 9,886 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 25,045 total reads

 25,045 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 73,776 total reads

 73,776 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 95,866 total reads

 95,866 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 195,687 total reads

 195,687 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 227,622 total reads

 227,622 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 126,121 total reads

 126,121 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top