Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

SHARE THE TRUTH

 87,601 total views

Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan.

Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024.

Ayon kay Bishop Dael, ang bawat ambisyon sa buhay ay may kaakibat na tungkuling maglingkod para sa kabutihan at kapakanan ng kapwa na isang napapanahong mensahe para sa mga nagnanais na kumandidato para sa papalapit na 2025 Midterm Elections.

“When we desire and dream for something it is not for ourselves it is for service; it is for others. Ambition, desires and dreams are meant to be gateways, doors like this church many doors, they are gateways to self-giving. They are not meant for entitlement or domination, if you want to be a lawyer, a businessman, a teacher, a farmer, a fisher folk, or even a student, or government public servant, a priest, a bishop all these desires, these ambitions are meant to serve others.” pagninilay ni Bishop Dael.

Pagbabahagi ng Obispo ang tunay at pinakamalaking katuparan ng paglilingkod para sa isang nilalang ay ang pagdudulot ng pagbabago at pagkakaroon ng magandang epekto sa buhay ng kapwa tao.

Paliwanag ni Bishop Dael, ang taong tunay na nagnanais na maglingkod ay handang magtiis o magdusa sa kabila ng kawalan ng naaangkop na pagkilala tulad ng naging buhay ni Hesus sa kanyang pagsasakatuparan sa pangakong kaligtasan para sa sanlibunan.

Iginiit ng Obispo na ang kadakilaan ay hindi nasusukat sa dami ng mga lingkod o tagasunod sa halip ay nakasalalay sa dami ng mga natulungan at napaglingkurang indibiwal.

“The greatest fulfillment of a person does not come from salaries; it is coming from the realization of real service of making a difference in the lives of people. Service makes us great people, great persons and this is where fulfillment and meaning comes from. Only a person who is truly committed to service is willing to endure suffering even if that person is not recognized, not appreciated or even misunderstood like Jesus who said “the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his love as a ransom for many”. Our greatness does not come from the number of servants we have, our greatness comes from the number of people we serve.” Dagdag pa ni Bishop Dael.

Tema ng World Mission Sunday 2024 ang “Go and Invite Everyone to the Banquet,” na layuning isulong ang misyong palaganapin ang Mabuting Balita ng Panginoon sa mas nakararami.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,798 total views

 70,798 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,793 total views

 102,793 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,585 total views

 147,585 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,556 total views

 170,556 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,954 total views

 185,954 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,522 total views

 9,522 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,208 total views

 60,208 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,799 total views

 37,799 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,738 total views

 44,738 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,193 total views

 54,193 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top