50-percent capacity sa GCQ areas: ‘Welcome development’ sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 853 total reads

Itinuturing ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of Philippines (CBCP) na magandang balita ang panibagong panuntunan ng pamahalaan kaugnay sa pagsasagawa ng mga religious activities sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara–Southwest Luzon Regional Representative ng CBCP, isang ‘welcome development’ ang bagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagpapahintulot sa 50-porsyento ng kapasidad ng simbahan sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng GCQ.

“Unang una po magandang balita po yan dahil alam po natin na ipinapahintulot po na sa GCQ ay 30% lang so nagbigay ng increase, yung talagang movement po talaga dapat ay ang 50% ay ia-allow lang po kapag pumunta na po tayo sa MGCQ pero dahil GCQ at nadagdagan na this is a welcome development po…” Ang bahagi ng pahayag ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa panayam sa Radyo Veritas.



Tiniyak naman ng Obispo na sa kabila ng pagtataas sa bilang ng mga maaring dumalo sa mga gawaing pansimbahan ay magpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

“So kahit pinahintulot na po yung ating mga Simbahan na 50% seating capacity patuloy pa rin po yung ating pag-obserba ng ating mga health protocols yung ating washing of hands, pag-a-alcohol, yung ating facemasks, face shield pati na rin sa ating mga parishes churches, places of worship dapat yung maayos na physical distancing ay magandang tugunan dahil nga syempre nag-increase tayo ng 50% ng capacity alam naman natin kung papaano maisasaayos yung ating mga upuan sa Simbahan,” Dagdag pa ni Bishop Vergara.

Magsisimula ang implementasyon ng panuntunan ng IATF sa Lunes, ika-15 ng Pebrero.

Una nang nanindigan ang mga obispo ng Simbahang Katolika na mahalaga ang pananampalataya at buhay espiritwal ng bawat isa lalo na sa gitna ng banta ng pandemya na nagdudulot ng takot, pangamba at kawalan ng katiyakan sa bawat isa.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 972 total reads

 972 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 52,507 total reads

 52,507 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 89,297 total reads

 89,297 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 121,976 total reads

 121,976 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 172,952 total reads

 172,952 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 234,578 total reads

 234,578 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top