‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 997 total reads

Tutol ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa isinusulong na virtual wedding ng Kongreso bilang tugon sa banta ng pandemya.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ito ay tila pagpapababa ng kahalagahan at kasagraduhan ng kasal.
“I don’t think it’s going to be beneficial to people yung virtual wedding. It’s not going to be beneficial. I think you reduce, minimize the meaning, the celebration, the dignity and then the sanctity of marriage itself. And not thinking of the culture that we have reunion ‘yan, fiesta ‘yan. And then the law, you undermine the law that exist today na safeguard ito para mapanatili nga natin yung dignidad ng kasal,” ayon sa paliwanag ni Fr. Secillano sa kanyang programang ‘Veritasan’ sa Radyo Veritas.
Dagdag pa ng pari, hindi rin ito naayon sa kultura ng Pilipinas lalu’t ang pagdiriwang ng kasal ay isang mahalagang okasyon ng pamilya sa pagsasama-sama.
Paliwanag pa ni Fr. Secillano, hindi naman panghabang buhay ang pandemya para magkaroon ng batas sa pagpapakasal ng online.
Ang virtual wedding act ay kabilang sa mga tinalakay sa video conference ng House Committee on Revision of Laws at iba pang usapin sa pag-amyenda ng Executive Order 209 o ang Family Code of the Philippines.
Hunyo noong nakalipas na taon nang ipanukala ang Virtual Marriage Act ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo. Sa ulat ang panukala ay nag-ugat dahil sa mga kasalang hindi natuloy dahil sa banta ng pandemya at pag-iral ng community quarantines sa buong bansa na nagbabawal sa maramihang pagtitipon. Duda rin ang pari na papayagan ang pagsusumite ng requirements at interview ng kasal sa pamamagitan ng service providers at zoom meeting “If you are going to do all these applications and submission of papers in person, bakit ang pinakamahalaga sa pagdiriwang hindi mo gawin in person din,” ayon pa kay Fr. Secillano.
Sa Lunes-February 15, ipatutupad na ng pamahalaan ang pagpapahintulot sa 50-porsiyento ng kapasidad ng simbahan sa mga pagdiriwang sa parokya sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine kabilang na sa National Capital Region.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 5,059 total reads

 5,059 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 16,418 total reads

 16,418 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 121,282 total reads

 121,282 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 161,840 total reads

 161,840 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 182,294 total reads

 182,294 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 230,478 total reads

 230,478 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 30,591 total reads

 30,591 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top