56 na pari ng Diocese of Malaybalay, nagpahayag ng suporta sa Leni-Kiko tandem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,068 total reads

Nagpahayag ng suporta ang 56 na mga pari ng Diyosesis ng Malaybalay para sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa darating na halalan.

Sa opisyal na pahayag na inilathala at nilagdaan ng 56 na mga pari ng Malaybalay, ang kanilang desisyon ay bunga ng taimtim na pananalangin at pagninilay.

Tinukoy rin ng mga pari na taglay nina Robredo at Pangilinan ang mga katangian ng isang mabuting lider na nasasaad naman sa Catholic Social Teaching o panlipunang turo ng Simbahang Katolika.

“After careful discernment of the candidates presenting themselves for election as President and Vice President on May 9, 2022, we, the undersigned members of the clergy of the Diocese of Malaybalay, are move to publicly support the candidates of VP Leni Robredo and Sen. Kiko Pangilinan. We believe that they best exemplify the criteria for good leaders who will accompany the people towards a sustanable future for our country,” pahayag ng 56 na pari Diyosesis ng Malaybalay.

Kabilang sa partikular na tinukoy ng mga pari ng Diyosesis ng Malaybalay ay ang pagiging maka-Diyos at pagkakaroon ng takot sa Diyos nina Robredo at Pangilinan na ugat sa pagiging matapat at marangal ng mga ito.

Bukod dito binigyang-diin din ng mga pari ang magandang track record nina Robredo at Pangilinan na sumasalamin sa kanilang integridad at tunay na hangarin na maglingkod para sa kabutihan ng mas nakararami o ang common good.

Matatandaang una ng nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at ang iba pang Diocesan at Archdiocesan Council of the Laity sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 11,199 total reads

 11,199 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 40,133 total reads

 40,133 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 80,692 total reads

 80,692 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 106,493 total reads

 106,493 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 154,760 total reads

 154,760 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 175,069 total reads

 175,069 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 11,200 total reads

 11,200 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 10,487 total reads

 10,487 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top