Hamon ni Archbishop Palma sa mga bagong Pari, paigtingin ang pagmimisyon

SHARE THE TRUTH

 859 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga bagong ordinang pari ng arkidiyosesis na panatilihin ang kababang loob at katapatan bilang pastol ng simbahan.

Ito ang habilin ng arsobispo sa limang inordinahang pari na magiging katuwang sa pangangalaga sa humigit kumulang limang milyong katoliko sa Cebu.

Ipinaliwanag ni Archbishop Palma na bilang mga pastol sa kawan ng Panginoon nararapat nakahanda itong maglingkod sa pamayanan tulad ng mga halimbawang ipinamalas ni Hesus sa kanyang mga alagad.

“If there is one best picture of a priest, it’s not one who sits on the throne but the one who bends and kneels to wash the feet,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Isa ang Cebu sa may pinakamalaking populasyon ng mga katoliko sa bansa at mayaman sa bokasyon sapagkat ang lalawigan ang tinaguriang sentro ng kristiyanismo sa bansa dahil dito inihasik ng mga misyonero ang pananampalataya noong 1521.

Kinilala ang mga bagong pari ng arkidiyosesis na sina Fr. Sanny E. Cantilla, Fr. Charles L. Cuizon, Fr. Junel B. Fuentes, Fr. Elvin I. Lumantas at Fr. Dean Marlo T. Mangubat.

Hamon ng arsobispo sa kapwa lingkod ng simbahan ang pagpapaigting sa misyon upang maabot ang bawat komunidad at maiwasang maisantabi ang ilang sektor.

Batay sa datos ng Catholic Hierarchy noong 2019 nasa 614 ang mga paring diocesan at religious sa arkidiyosesis na katuwang ni Archbishop Palma sa pangangasiwa sa 167 mga parokya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,518 total views

 81,518 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,522 total views

 92,522 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,327 total views

 100,327 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,525 total views

 113,525 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 124,935 total views

 124,935 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,651 total views

 12,651 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top