Pamamaril sa mga Lumad at magsasaka sa Bukidnon, ikinalulungkot ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 828 total reads

Ikinalungkot ng Diyosesis ng Malaybalay ang pamamaril sa grupo ni Presidential candidate Leody de Guzman sa San Jose Quezon sa Bukidnon noong Abril 19.

Sa pahayag ni Bishop Noel Pedregosa kinundena nito ang karahasan lalo’t nangyari ito habang ipinagdiriwang ng simbahan ang Muling Pagkabuhay ni Hesus na tagapagpalaganap ng kapayapaan sa lipunan.

“It is sad that it had to happen during this continuing celebration of the Octave of Easter where the main message of the Lord to humanity through the Church is peace,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pedregosa.

Nangyari ang pamamaril habang nagpulong ang mga magsasaka at lumad kasama si presidential aspirant labor-leader Ka Leody De Guzman.

Tinalakay sa pulong ang pamamaraan upang mabawi ng Manobo-Pulangiyon tribe ang kanilang lupang minana.

Batay sa pahayag ng diyosesis dalawang lumad at dalawang human rights advocates ang nasugatan sa insidente habang nakaligtas naman sina De Guzman at senatorial aspirant Roy Cabonegro at David D’Angelo.

Apela ng diyosesis sa pamahalaan ang maayos na pagpatupad sa Indigenous Peoples Rights Act of 1997 na nangangalaga sa karapatan ng mga katutubo sa bansa kasama na ang kanilang ancestral lands.

Panawagan din ni Bishop Pedregosa ang dayalogo sa pagitan ng magkabilang panig upang higit na manaig ang katotohanan at katarungan upang iiral ang pagkakaisa sa komunidad.

“We would like to appeal to all concerned government agencies to go to the table of synodality, dialogue, reconciliation and assistance for the sake of peace and of the integral and sustainable development of the Lumads who have the rights to their ancestral domain claims which for many years have been deprived from them,” ani Bishop Pedregosa.

Una nang kinundena ng pamahalaan ang pamamaril sa grupo ng mga lumad at iginiit na walang puwang sa pamayanan ang anumang uri ng karahasan kasabay nito ang pagtiyak ng masusing imbestigasyon upang mapanagot ang sinumang sangkot sa insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 14,107 total reads

 14,107 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 121,823 total reads

 121,823 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 158,610 total reads

 158,610 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 189,184 total reads

 189,184 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 236,983 total reads

 236,983 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top