Evangelization ng Simbahan, nakatuon sa mga taong hindi nakakilala kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Binigyang diin ni Missiologist Father Johny Young, pangulo ng Father Saturnino Urios University, na pagtutuunan ng pansin ng ebanghelisasyon ng simbahan ang mga taong hindi nakakikilala kay Hesukristo.

Ito ang pagninilay ng pari sa International Missiology Symposium sa temang ‘Missionary Discipleship in the Local Church’ kasabay ng ginaganap na ikalawang National Mission Congress.

Batid ni Fr. Young na maraming mamamayan ang nagnanais na makita si Hesus subalit kulang ang pamamaraan na maabot ang kanilang hanay at walang panahon upang maihayag ang ebanghelyo.

Kinilala ng opisyal ng simbahan ang mga makabagong pamamaraan upang higit na maabot ang pamayanang nangangailangang mapakinggan ang mga salita ng Panginoon.
“We cannot forget that evangelization is first and foremost about preaching the Gospel to those who do not know Jesus Christ or who have always rejected him,” ayon sa pagninilay ni Fr. Young.

Bukod dito bahagi rin ng ebanghelisasyon ang ordinary pastoral ministry para sa mga aktibong nakikibahagi sa mga gawain ng simbahan sa iba’t ibang paraan subalit bihirang makiisa sa pagpupuri sa Panginoon.

Paliwanag ni Fr. Young nararapat paigtingin ang alab sa puso ng mananampalataya upang mas lumago sa kabanalan.

“Ordinary pastoral ministry seeks to help believers to grow spiritually so that they can respond to God’s love ever more fully in their lives,” ani Fr. Young.

Naniniwala ang pari na malawak na misyon ang gagampanan ng simbahan upang maabot ang mga nasa liblib na kanayunan at higit sa lahat ang mga nalalayo sa simbahan.

Sinabi pa ni Fr. Young na dapat palalakasin ng simbahan ang pagmimisyon lalo sa kasalukuyang panahon na nahaharap sa iba’t ibang pagsubok ang lipunan tulad ng pandemya, labis na katiwalian, laganap na fake news, pagkasira ng kalikasan at iba pang usapin na sumisira at nagpapahina sa kalooban ng tao.

“I see clearly that the thing the church needs most today is the ability to heal wounds and to warm the hearts of the faithful; it needs nearness and proximity,” giit ng pari.
Ang ginaganap na symposium sa National Mission Congress ay bahagi ng pagtatapos sa yearlong celebrations ng 500 Years of Christianity at ng Year of Missio Ad Gentes ng simbahan sa Pilipinas.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 11,911 total reads

 11,911 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 41,696 total reads

 41,696 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 82,255 total reads

 82,255 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 107,862 total reads

 107,862 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 156,129 total reads

 156,129 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 176,404 total reads

 176,404 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top