Tanggapin ang espiritu santo, paanyaya ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,405 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.

Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng simbahan sa Linggo ng Pentekostes kung saan ang pananahan ng Banal na Espiritu sa bawat isa ay paraan upang maisabuhay ang misyon ni Hesus.

Ayon sa obispo kaakibat ng pagtanggap sa Espiritu Santo tulad noong bumaba ito sa mga apostoles kasama ng Mahal na Birheng Maria ay matatamo ng sangkatauhan ang biyaya ng karunungan, pagkaunawa, kaalaman, matuwid na pagpapasya, banal na pagkatakot sa Diyos, katatagan at kalakasan ng loob.

“Ibinubuhos sa atin ang mga regalo ng Espiritu Santo na magagamit natin sa pagsasabuhay ng buhay ni Hesus, na kailangan natin sa ating pag-unlad sa pananampalataya,” mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Paalala pa ng opisyal na sa sakramento ng binyag ay unang tinanggap ang Espiritu Santo habang sa sakramento ng kumpil ay itinatak ang Banal na Espiritu upang manahan sa bawat isa na mabisang sandata upang labanan ang kasamaan at panunukso ng kasalanan.

Batid ni Bishop Pabillo na marami ang hindi nakatatanggap ng kumpil lalo na sa liblib na kanayunan kaya’t sinisikap nitong abutin ang nasasakupang komunidad upang ibahagi ang mga sakramento ng simbahan lalo na ang pagtatatak ng Espiritu Santo sa bawat binyagan.

“Ngayon pinupunan natin ang mga kakulangan at inaabot ang mga kawan kaya magpakumpil na kayo at tanggapin ang Espiritu Santo,” ano ng obispo.

Sa ika – 50 araw ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at matapos ang kanyang pag-akyat sa langit ay bumaba ang Espiritu Santo sa mga apostol kasama ang Mahal na Birheng Maria.

Ito rin ang tinaguriang kaarawan ng simbahang katolika kung saan sa inspirasyon ng Espiritu Santo ay nangaral si San Pedro ang kauna-unahang Santo Papa sa mga Hudyo at non-believers na nagbunga ng pagbinyag sa humigit kumulang 3, 000 katao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,771 total reads

 50,771 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,503 total reads

 147,503 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,772 total reads

 191,772 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,881 total reads

 214,881 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,779 total reads

 287,779 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top