Archdiocese of Manila, makikiisa sa peoples march and prayer vs CHACHA

SHARE THE TRUTH

 11,954 total views

Makikiisa ang Archdiocese of Manila sa isasagawang People’s March and Prayer Against Charter Change sa May 22, 2024.

Sa liham sirkular ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Isidro Marinay, hinimok nito ang nasasakupan na makiisa sa pagtitipon sa harapan ng tanggapan ng Senado sa Pasay City mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.

Gayundin ang pagpapatunog ng kampana ng mga simbahan tuwing alas kuwatro ng hapon para sa natatanging intensyon.

“Our prayers in the Our Mother of Perpetual Help Novena will be offered for our country and leaders,” bahagi ng mensahe ni Fr. Marinay.

Ang pagkilos ay inisyatibo ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines na kasalukuyang pinamumunuan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Tiniyak ng social arm na paigtingin ang information drive sa mamamayan hinggil sa masamang idudulot sa pagpapalit ng konstitusyon.

In this light, the Episcopal Commission on Social Action – Justice and Peace/Caritas Philippines and the Social Action Network, which is tasked to address this issue, would like to continue strengthening our anti-charter change campaign to ensure that our lay faithful are correctly informed and educated about the issues surrounding our Constitution,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inaasahan ang pakikibahagi ng humigit kumulang sa tatlong libong katao mula sa iba’t ibang mga parokya, catholic insitutions kabilang na ang mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Hinimok din ng mga obispo ang mga parokya na hindi makadadalo sa prayer rally sa senado na magsagawa ng kaparehong gawain sa mga parokya sa parehong oras.

Patuloy ang paninindigan ng CBCP laban sa charter change at iginiit na hindi napapanahong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution sa halip ay hinimok ang pamahalaan na gumawa ng mga polisyang makatutugon sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa kabilang na ang kahirapan, kagutuman, at kawalang sapat na oportunidad sa mga Pilipino lalo na ang mga magsasaka at manggagawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 3,241 total views

 3,241 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 41,051 total views

 41,051 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 83,265 total views

 83,265 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,796 total views

 98,796 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,920 total views

 111,920 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 15,192 total views

 15,192 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top