Pope’s day mass, pangungunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,151 total reads

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Pope’s day Mass sa June 29.

Isasagawa ang banal na misa sa alas sais ng gabi sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Taunang ipinagdiriwang ang Pope’s Day tuwing June 29 kasabay ng kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo na kilalang haligi ng simbahang katolika kung saan ipinagkatiwala ni Hesus ang pangangalaga sa kanyang kawan.

Kasabay ng dakilang kapistahan ng dalawang santo ay pinararangalan din ang santo papa sa patuloy na pagganap sa misyong pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.
Pangunahing tungkulin ng santo papa ang pagbuklurin ang sangkatauhan tungo sa landas ni Hesus batay sa habilin nito kay San Pedro ang kauna-unahang santo papang pinagkatiwalaan sa mga gawaing pagpapastol.

Sina San Pedro at San Pablo ay tinaguriang mahahalagang haligi ng pananampalatayang kristiyano na pawang ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing June 29.
Kay Pedro inihabilin ni Hesus ang simbahan sa lupa habang si San Pablo naman na kilala noong mang-uusig ng mga kristiyano ay nagbagong buhay at naging misyonerong nangunguna sa pangangaral tungkol kay Hesus sa iba’t ibang dako.

Si San Pedro ay ipinako sa nakabaliktad na krus sa Roma habang si San Pablo naman ay pinugutan ng ulo sa naturang bansa.
Mula kay San Pedro nahalal si Pope Leo XIV noong May 8, 2025 bilang ika – 267 santo papa ng simbahang katolika kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 76,211 total reads

 76,211 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,494 total reads

 154,494 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,941 total reads

 187,941 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 223,238 total reads

 223,238 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,710 total reads

 446,710 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top