Ordinasyon ni Bishop-elect Capucao, pinaghahandaan ng Diocese of Infanta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,923 total reads

Humiling ng panalangin ang Prelatura ng Infanta kasabay ng paghahanda sa ika – 75 anibersaryo ng pagkakatatag ng prelatura gayundin sa ordinasyon at pagluluklok sa ikalimang obispo.
Itinakda ng prelatura ang pagtanggap kay Bishop-elect Dave Capucao sa September 5, 2025 sa ganap na alas nuwebe ng umaga sa Saint Mark Cathedral and Infant Jesus of Prague Parish sa Infanta, Quezon.

Hiling ng prelatura ang pananalangin sa patuloy na misyon ng simbahan sa pagtanggap ng bagong pastol.

“Let us unite in prayer and thanksgiving as we welcome our new shepherd and honor 75 years of faith, mission, and service in our beloved prelature,” bahagi ng pahayag ng prelatura.
Magsisilbing consecrator kay Bishop elect Capucao si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown habang co-consecrator naman sina Infanta Bishop-Emeritus Bernardino Cortez at Caceres Archbishop-Emeritus Rolando Tria-Tirona, OCD.

Magbibigay naman ng pagninilay sa pagdiriwang si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Si Bishop-elect Capucao ang kauna-unahang Pilipinong itinalaga ni Pope Leo XIV bilang obispo noong May 16 na hahalili kay Bishop Cortez na naabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang noong July 2024.

Ang bishop-elect ay inordinahang pari ng Infanta noong October 3, 1994 at naging pastol sa isang mission area ng prelatura sa loob ng anim na taon.

Taong 2000 nang mag-aral ito sa Catholic University of Nijmegen o Radboud University sa The Netherlands kung saan tinapos ang master’s degree ng intercultural and interreligious theology.
Mula 2002 hanggang 2006 naging junior researcher sa theology department ng unibersidad ang bishop-elect habang tinatapos ang dissertation on religion and ethnocentrism.
Naglingkod din si Bishop-elect Capucao sa Netherlands partikular sa Saint Ludger Parish sa Lichtenvoorde and Winterswijk.

Nagtapos din ang pari ng doctorate in sacred theology sa Catholic University of Louvain sa Belgium at naging formator ng St. Joseph Formation House ng prelatura sa Quezon City nang magbalik Pilipinas noong 2011.

Ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Capucao ang pagiging superintendent of the Catholic Association of Schools in the Prelature of Infanta (CASPI), pangulo ng Center for Empirical Studies on Spirituality, Theology and Religion–Asia (CESSTREL-ASIA), kasapi rin ng Presbyteral Council ng prelatura at iba pang international organizations kabilang na ang The Netherlands School for Advanced Studies in Theology and Religion (NOSTER), at International Society of Empirical Research in Theology (ISERT).

Si Bishop-elect Capucao ang ikalimang obispo ng prelatura na may humigit kumulang 400, 000 katoliko sa Northern part ng Quezon at makatuwang sa pagpapastol sa 19 na parokya ang mahigit 60 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 928 total reads

 928 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,501 total reads

 36,501 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,985 total reads

 72,985 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,196 total reads

 91,196 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,486 total reads

 175,486 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,855 total reads

 4,855 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top