Weekly Holy Hour for Peace, inilunsad ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,624 total reads

Ilulunsad ng Diocese of Antipolo ang Weekly Holy Hour for Peace para sa natatanging intensyon ng kapayapaan sa buong mundo.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos lubhang nakababahala ang kasalukuyang nangyayari sa mundo partikular sa mga bansa sa Middle East kung saan labis na apektado ang inosenteng sibilyan tulad ng kababaihan, matatanda, mga bata at may kapansanan.

“While the Diocese of Antipolo is geographically distant from these battle-scarred places, our Christian duty binds us to the global Body of Christ. The pain of one is the concern of all. And prayer is our most potent act of peace-building,” ayon kay Bishop Santos.

Hiniling ni Bishop Santos sa mga parokya, kapilya, religious communities at lay associations ang pagsasagawa ang Holy Hour for Peace tuwing Huwebes mula June 26, 2025 para sa kapayapaan ng mundo.
Naniniwala si Bishop Santos na ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa pananalangin ay mahalagang hakbang upang mahipo ang puso lalo na ng mga lider ng magkatunggaling bansa na magkasundo sa dayalogo upang magkaroon ng pagpapatawaran tungo sa kapayapaan.

“I particularly appeal to our priests and the ministry of liturgy: please prepare your communities and lead them in this united diocesan act of intercession. For our lay faithful, may your presence before the Lord be a sign of our Church’s unwavering trust in divine mercy. May our diocesan family become a wellspring of peace,” dagdag ni Bishop Santos.

Ipinagkatiwala rin ng obispo sa makainang pagkalinga ng Our Lady of Peace and Good Voyage ang inisyatibo ng diyosesis gayundin ang pakikilakbay at paggabay sa mga mamamayang apektado ng karahasan at digmaan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Patuloy ang pag-igting ng sigalot sa pagitan ng Israel at Iran kung saan mahigit 200 katao na ang nasawi na karamihan ay mga sibilyan habang libu-libo naman ang nasugatan. Kabilang din sa epekto ng digmaan ang nakaambang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na makaapekto naman sa presyo ng mga bilihin at serbisyo lalo na sa Pilipinas.

Una nang nanawagan si Pope Leo XIV na isulong ang mahinahong dayalogo ng magkabilang panig upang maresolba ang anumang hindi pagkakaunawaan at magkaisang isulong ang pagbubuklod at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,094 total reads

 51,094 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,710 total reads

 130,710 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,157 total reads

 164,157 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,455 total reads

 199,455 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,949 total reads

 423,949 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top