6-milyong debotoi na nakiisa sa Alay Lakad sa Antipolo, pinasalamatan ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total views

Kinilala at pinasasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mahigit anim na milyong debotong nakiisa sa taunang Alay Lakad sa Antipolo.

Ayon sa obispo ang pagbubuklod ng mga deboto sa tradisyon tuwing Huwebes Santo ng gabi ay malinaw na tanda ng matatag at buhay na pananampalataya ng mga Pilipino.

“An estimated 6,082,234 pilgrims took part in this sacred journey. What a powerful testament to the living faith of our people!” ayon kay Bishop Santos.

Batay sa ulat ng Philippine National Police at pamahalaang panlalawigan, naging maayos, mapayapa, at disiplinado ang isinagawang paglalakbay ng mga mananampalataya patungo sa pa daigdigang dambana ng Mahal na Birhen sa Antipolo.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na kasalukuyang kura paroko ng dambana ang pagtalima ng mga deboto sa mga panwagang kaayusan ng pagtitipon.

“There were no untoward incidents, no reports of lost belongings, and cleanliness was faithfully observed. These are not small things; they are signs of a people deeply formed by faith and guided by love “ ani Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng Obispo na higit pa sa tradisyon ang naturang gawain, kundi isang konkretong pagsasabuhay ng pananampalataya.

“Together, you have shown that faith is not only professed in prayer but lived through responsible action and care for one another,” giit ni Bishop Santos.

Inilarawan din ng obispo ang Alay Lakad bilang isang malalim na pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birhen.

Sinabi ni Bishop Santos na ang naging daloy ng pilgrimage ay sumasalamin sa tunay na pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino bilang mga mananampalataya.

“We have shown our true face as a people: obedient, respectful, and loving children, walking together in faith toward our Mother,” dagdag ng obispo.

Pinasalamatan din ng Obispo ang lahat ng sektor na nakiisa sa matagumpay na pagdaraos ng gawain; ang mga deboto, volunteers, religious leaders, at mga ahensya ng pamahalaan na nagkaisa upang maipamalas ang disiplina, malasakit, at pananampalataya.

“From the depths of my heart, I thank each one of you—pilgrims, organizers, volunteers, and our partners in government and public service—for your dedication and commitment,” saad ni Bishop Santos.

Hiniling naman ng Obispo ang patuloy na paggabay at proteksyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa lahat ng mananampalataya, kasabay ng panalangin na gantimpalaan ng Diyos ang kanilang mga sakripisyo ng masaganang biyaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 28,310 total views

 28,310 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 28,310 total views

 28,310 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 28,310 total views

 28,310 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 27,354 total views

 27,354 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 24,823 total views

 24,823 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top