60-pisong umento sa minimum wage, kulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,917 total reads

Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pamumuhay ang dagdag na ₱60 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni De Guzman na bagama’t makatutulong ang dagdag-sahod, malayo pa rin ito sa halagang kinakailangan ng mga manggagawa upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
“Good news at bad news. Kasi good news dahil kahit papaano makakatulong ang dagdag na ₱60 sa ating mga manggagawa dahil sa kalagayang hirap na hirap ‘yung buhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon. Pero bad news ‘yan dahil ‘yan ay nagsimula sa 85, Wage Order No. 27, tapos biglang binawi at ginawang 60.” Bahagi ng pahayag ni De Guzman sa Radyo Veritas.

Ayon kay De Guzman, mas mababa pa rin ang ₱60 na dagdag-sahod kaysa sa una nang hinihinging ₱200 ng mga manggagawa, at higit na malayo sa tinatayang cost of living na aabot na sa ₱1,312.

“Kaya dapat mga ₱500 sana o mahigit ang idadagdag. Pero bumagsak sa 85, tapos ay sige, ‘Okay na,’ eh binaba pa hanggang sa 60.” Dagdag pa ni De Guzman.

Kinuwestiyon din ng labor leader ang proseso ng pagtukoy sa dagdag-sahod, partikular ang kawalan ng sapat na konsultasyon sa mga kinatawan ng mga manggagawa.

Inihayag din ni De Guzman na hindi rin sapat ang kasalukuyang minimum wage upang matugunan ang aktuwal na gastusin ng isang manggagawa at ng kanyang pamilya.

“Dapat ang pinaka-just at fair sa ating mga manggagawa, kahit na hindi ‘yun living wage, kahit na lang ‘yung cost of living.” Ayon pa kay De Guzman.

Sa ilalim ng ₱60 na dagdag, mula sa ₱695 ay magiging ₱755 ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila, ngunit ayon kay De Guzman ay malayo pa rin ito sa halagang kinakailangan batay sa kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Dagdag pa ni De Guzman, hindi rin buo ang halagang natatanggap ng mga manggagawa dahil sa iba’t ibang kaltas sa kanilang sahod, kabilang ang mga kontribusyon at buwis.

Samantala, binigyang-diin din ni De Guzman ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo sa mga manggagawa, lalo na sa mga gumagamit ng motorsiklo upang makaiwas sa trapiko at sa mga driver na araw-araw na umaasa sa kanilang kita.

“Ang problema ngayon, dahil sa tumaas ang presyo ng gasolina at tsaka ‘yung krudo… ang laki ng nawawala sa mga manggagawa natin. ‘Yung mga driver, nakakaawa.” Ani De Guzman.

Ayon kay De Guzman, kinakailangan din ng mga hakbang upang mapababa ang presyo ng petrolyo, kabilang ang pagtugon sa mga buwis na ipinapataw dito.

“Ang kailangan lang, ‘yung political will ng ating Pangulo na sana alisin na ‘yung VAT muna o kaya ‘yung excise tax para mapababa ‘yung presyo ng gasolina.” Ayon pa kay De Guzman.

Sa bahagi ng Simbahang Katolika, ang sahod ay hindi lamang usapin ng ekonomiya kundi bahagi rin ng dignidad sa paggawa at karapatan ng bawat manggagawa na magkaroon ng disenteng pamumuhay, kung saan sa harap ng pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, petrolyo at iba pang pangunahing pangangailangan, nananatiling mahalaga ang panawagan para sa mga patakarang inuuna ang dignidad ng tao, kapakanan ng pamilya, at common good, kasabay ng makatarungang pagtrato sa parehong manggagawa at mga maliliit na negosyante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,922 total reads

 19,922 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,165 total reads

 101,165 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,614 total reads

 134,614 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,912 total reads

 169,912 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,797 total reads

 395,797 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top