6,247 na bata, nailigtas ng Fast 2 Feed program ng Pondo ng Pinoy sa malnutrisyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Loading

Nadagdagan ng 6,247 na mga bata ang natulungang makaahon at nailigtas sa malnutrisyon sa bisa ng Fast 2 Feed Program ng Pondo ng Pinoy at Hapag-asa Integrated Nutrition Program.

Ito ang naging beneficiary ng Hapag-asa Integrated Nutrition Program ng Pondo ng Pinoy mula 2023 hanggang 2025.

Tiniyak naman ng Pondo ng Pinoy ang pakikipagtulungan sa Hapag-asa Integrated Nutrition Program at iba pang institusyon tungo sa pagpapakain sa mga nagugutom at tuluyang mawala ang malnutrisyon sa lipunan.

“Sa tulong ng Fast2Feed, patuloy na isinasakatuparan ng Hapag-Asa Integrated Feeding Program ang misyon ng Pondong Pinoy Feeding Program na maghatid ng pagkain, pag-asa, at kalinga sa mga bata, Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa misyong ito. Dahil sa inyong malasakit, mas marami pang batang nangangailangan ang naaabot ng tulong,” ayon sa mensahe ng Pondo ng Pinoy.

Inaanyayahan din ng institusyon ang mga Pilipino na patuloy na suportahan ang kanilang mga programa para mai-ahon sa kahirapan ang mga benepisyaryo.

 

“Inaanyayahan namin ang lahat na patuloy na makiisa at suportahan ang Pondong Pinoy Fast2Feed Campaign kasama ang Hapag-Asa Integrated Feeding Program upang mas marami pang bata ang mabigyan ng sapat na nutrisyon at pag-asa para sa kanilang kinabukasan,” ayon pa sa mensahe ng Pondo ng Pinoy.

Sa datos nang United Nations Children’s Fund, 95-batang Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon, habang nananatiling suliranin din sa bansa ang stunting o pagkabansot ng mga batang nasa edad limang taong gulang pababa dahil sa malnutrisyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SYNODALITY

Loading

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Loading

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

FRESH AND CREATIVE SOLUTIONS

Loading

Kapanalig, ilang dekada nang hindi nareresolba, hindi natutugunan ang problema ng Pilipinas sa “endemic na corruption, kahirapan, exlusion, malnutrisyon, kawalan ng katarungan, mataas na bilang

Read More »

Lipat na sa renewable energy

Loading

Mga Kapanalig, patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo! Walang dudang epekto ito ng giyera sa Middle East na pinanggagalingan ng langis at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top