Ceasefire sa Gitnang Silangan, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV ng agarang tigil-putukan at pagbubukas ng diyalogo sa gitna ng patuloy na karahasan sa Middle East, kasabay ng kanyang panawagan sa mga mananampalataya na maging mulat at aktibo ang pananampalataya sa harap ng pagdurusa ng mundo.

Sa kanyang pagninilay matapos ang Angelus sa Saint Peter’s Square, lubhang nababahala ang Santo Papa sa patuloy na digmaan na nagdudulot ng matinding pinsala sa mga sibilyan.

Ayon sa Santo Papa, patuloy na nagdurusa ang mga mamamayan dahil sa karahasang dulot ng digmaan.
“For two weeks now, the peoples of the Middle East have been suffering the horrific violence of war. Thousands of innocent people have been killed, and countless others have been forced to flee their homes,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dagdag pa ng Santo Papa, kabilang sa mga target ng pag-atake ang mga paaralan, ospital at mga residential area na nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa mga inosenteng sibilyan.

Dahil dito ay muling nanawagan ang punong pastol ng Simbahang Katolika sa mga sangkot sa hidwaan na agarang itigil ang karahasan at bigyang-daan ang usapang pangkapayapaan.

“On behalf of the Christians of the Middle East, and of all women and men of goodwill, I appeal to those responsible for this conflict: cease fire! May paths of dialogue be reopened! Violence can never lead to the justice, stability, and peace for which the people are waiting,” panawagan ng Santo Papa.

Nag-alala rin ang Santo Papa sa lumalalang sitwasyon sa Lebanon kung saan umaasa itong magbubukas ang mga landas ng diyalogo upang makamit ang pangmatagalang solusyon sa kasalukuyang krisis na kinahaharap ng bansa.
Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ng ikaapat na Linggo ng Kuwaresma tungkol sa pagpapagaling ni Hesus sa lalaking ipinanganak na bulag, binigyang-diin ng Santo Papa na ang pananampalataya ay hindi pagtalikod sa katwiran kundi pagbubukas ng mga mata sa katotohanan at sa pangangailangan ng kapwa.

“Faith is not a blind act… On the contrary, faith helps us to see things as Jesus himself sees them,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Iginiit ng Santo Papa na ang tunay na pananampalataya ay nag-uudyok sa mga mananampalataya na maging mulat sa mga hamon ng mundo at tumugon sa pagdurusa ng kapwa.

Paliwanag pa ng punong pastol ng Simbahang Katolika na sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng mundo tulad ng kawalang-katarungan, karahasan at pagdurusa, mahalagang maging mapagmatyag at mapanuri ang pananampalataya ng bawat Kristiyano.

“In the face of the many questions of the human heart, as well as the tragic situations of injustice, violence, and suffering that mark our time, it is essential that our faith be alert, attentive, and prophetic,” ayon pa sa Santo Papa.
Hinimok naman ni Pope Leo ang mga mananampalataya na ipanalangin ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na magliwanag sa puso ng bawat isa ang liwanag ni Kristo at maging saksi sa pananampalataya nang may kababaang-loob at katapangan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,906 total reads

 17,906 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 78,207 total reads

 78,207 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 163,574 total reads

 163,574 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 210,310 total reads

 210,310 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 258,181 total reads

 258,181 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 358,309 total reads

 358,309 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top