632-indibidwal mula sa San Isidro Labrador at Holy Family parish, inilikas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,718 total reads

Umabot sa 196 pamilya o 632 indibidwal mula sa dalawang parokya ng Diocese of Novaliches ang naapektuhan ng pinalakas na Habagat, kabilang ang mga isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa at creek sa ilang bahagi ng Quezon City.

Batay sa situation report ng Caritas Novaliches nitong Agosto 9, 2026 kabilang sa mga parokyang may mga pamilyang inilikas ang San Isidro Labrador Parish sa Bagong Silangan at Holy Family Parish sa Gulod.

Kabilang sa mga lugar na mino-monitor ng diyosesis ang mga komunidad na nakapaligid sa La Mesa Dam, Marikina River at Tullahan River, gayundin ang mga streams at creeks sa North Quezon City.
Samantala, ayon sa ulat ni Miles Lilio, Acting Parish Social Action Coordinator, sa diocesan monitoring team noong gabi ng Agosto 8, 2026, isang maliit na bahay na gawa sa magagaan na materyales ang gumuho sa Barangay Bagong Silangan dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan kaugnay ng insidente.

Ayon sa ulat, umabot sa 79.72 metro ang water level ng La Mesa Dam bandang alas-8 ng umaga nitong Agosto 9, 2026 na itinuturing na critical level kung saan nasa 80.15 metro naman ang spilling level ng dam.

Gayunman, nananatili sa normal level ang Tullahan River sa bahagi ng North Fairview.

Samantala patuloy namang mino-monitor ng Diocesan Parish Response and Monitoring (DPRM) Team ng Diyoseis ng Novaliches ang kalagayan ng mga parokya at komunidad na posibleng maapektuhan ng Habagat.

Naka-alerto rin ang mga Parish Social Action Ministry (PSAM) Coordinators at inatasang agad mag-ulat ng anumang makabuluhang pangyayari sa kani-kanilang lugar.

Inihahanda naman ng Caritas Novaliches ang susunod na situation report upang patuloy na maipabatid sa mga parokya at sa publiko ang kalagayan ng mga komunidad.

Sa gitna ng banta ng pagbaha at iba pang epekto ng matinding pag-ulan, patuloy na hinihikayat ang mga parokya at mananampalataya na maging mapagmatyag, makiisa sa mga hakbang sa kaligtasan at higit na alalahanin ang mga pamilyang higit na nanganganib.

Sa ganitong panahon, ipinapaalala ng Simbahan na ang pagtugon sa sakuna ay hindi lamang tungkol sa relief at evacuation kundi sa pagiging kasama ng mga higit na nangangailangan, maagap na pagtugon at pagtutulungan ng mga parokya ay konkretong pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,370 total reads

 19,370 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,721 total reads

 42,721 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,222 total reads

 79,222 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,846 total reads

 299,846 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,406 total reads

 333,406 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Fashion show sa baha

 19,371 total reads

 19,371 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 42,722 total reads

 42,722 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,223 total reads

 79,223 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,847 total reads

 299,847 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »
Scroll to Top