Mahigit 8-libong indibidwal sa Cavite, inilikas sa mga evacuation center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,885 total reads

Ini-ulat ng Diocese of Imus – Social Action Center na 8,026 indibidwal mula sa 2,386 pamilya sa Cavite ang kasalukuyang na-displace at inilikas dahil sa pinagsamang epekto ng pinalakas na Habagat, Tropical Depression Luis at low-pressure area na dating Tropical Cyclone Maymay.

Batay sa ‘Byaheng Malasakitan Situational Report number two ng Caritas Imus, pasado ala-una ng hapon ngayong araw, umaabot narin sa 2,408 indibidwal o 648 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center, habang 5,618 indibidwal o 1,738 pamilya naman ang nasa labas ng evacuation centers.

Inihayag ng Caritas Imus na malaki ang bilang ng apektado sa Tanza, Imus, Ternate, Kawit at iba pang mabababang lugar sa lalawigan.

Wala namang naitalang namatay, bagamat may mga nasirang bahay at kabuhayan, kabilang ang 5-nasirang bangka habang dalawa ang nawawala sa Ligtong, Rosario.

Marami din ang bahagyang nasirang mga bahay sa General Mariano Alvarez, Magallanes, Dasmariñas at Silang.

Ibinahagi ng Caritas Imus na naka-alerto sila at patuloy na mino-monitor ang mga lugar na binaha dahil sa walang tigil nap ag-uulan.

Inatasan na rin ng Caritas Imus ang lahat ng Parokya sa pamamagitan ng Parish Social Action Ministries na magsagawa ng monitoring, mangalap ng datos at makipag-ugnayan sa kanila para sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan sa lalawigan ng Cavite.

“Caritas Imus is on alert status and continuous monitoring of the Situation. All Parishes through their Parish Social Action Ministries are encourage to monitor the situation and coordinate to Caritas Imus for data gathering & possible interventions,” ang mensahe ng Caritas Imus sa Radyo Veritas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 104,938 total reads

 104,938 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 138,269 total reads

 138,269 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 170,413 total reads

 170,413 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 236,472 total reads

 236,472 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 248,995 total reads

 248,995 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top