Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,080 total reads

Unti-unti nang naaalis ang maskara ng mga mastermind sa 545-bilyong pisong collusion sa flood control projects ng pamahalaan.

Nagiging klaro na ang lahat, ang halos lahat ng mga flood control projects ng pamahalaan ay konektado sa mga kongresista maging ng mga Senador. Ang bilyun-bilyong pisong kontrata ay pabuya ng mga mambabatas sa kanilang mga kamag-anak at mga nagdonate sa kanilang kampanya para manalo sa halalan.

Ito ay multi-bilyong pisong “utang na loob” scam, sa pagitan ng mga mambabatas, opisyal ng DPWH, COA, at mga kaalyadong kontraktor. Nagsimula ang matinding katiwalian sa mga flood control projects ng gobyerno sa administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte at noo’y DPWH secretary Mark Villar na nahalal namang Senador. Bago pa nabunyag sa pamumuno ni DPWH secretary Manuel Bonoan ay boom na boom na sa anim taong panunungkulan ni Villar ang laganap na katiwalian sa flood control projects.

Kapanalig, ang multi-bilyong pisong budget insertions ay laganap na noong pang administrasyon ni dating pangulong Duterte.

Nabunyag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sa collusion sa flood control projects ng pamahalaan bago pa sumikat sa 40-luxury vehicles si Cezarah Rowena Discaya ay nakipag-joint venture na ito sa CLTG Builders nap ag-aari ng ama ni Senador Bong Go sa multi-bilyong pisong flood control projects sa Davao city. Ang sabi ni Senador Go, walang siyang kinalaman., wala siyang alam sa joint venture at palpak na flood control projects. “Wala akong alam”, ito ang sumisikat na litanya ng mga mambabatas sa iniimbestigahang katiwalian.

Natuklasan naman sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, Good Government and Accountability at Public Works “in-aid-of-legislation” na tumanggap si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng 30-milyong pisong campaign donation sa may-ari ng Centerways Construction. Kapalit nito ang pagkupo ng Centerways ng multi-bilyong pisong flood control projects sa Bicol region particular na sa Sorsogon na lalawigan ng Senador. Inamin ng Senador ang donasyon, pero wala siyang alam sa mga proyektong ibinigay sa Centerways.

Idinawit naman ng sinibak na district engineer ng DPWH sa Bulacan na si Henry Alcantara ang pangalan ni Senador Joel Villanueva sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan particular na ang proyekto na binisita ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naging mitsa ng expose sa flood control projects scam. Eh, wala din alam si Senador Villanueva? Bakit daw siya?

Sa expose ni Senador Panfilo Lacson na 70-Senador at Kongresista ang may kinalaman sa laganap na katiwalian sa flood control projects., 18 pa lamang ang natukoy na.

Ito ay sina Senate President Francis Escudero, Senador Joel Villanueva., Senador Bong Go at mga kongresista na sina AKO-Bicol partylist representative Zaldy Co, Ferdinand Beltran, Cong.Edwin Gardiola,Cong.Munir Arbison Jr., Cong.Jolo Revilla., Congresswoman Lanie Mercado-Revilla., Cong.Bryan Revilla,Cong.Rudge Gutierrez, Congresswoman Caroline Agyao, Cong.Carlos Luria,Congresswoman Tina Pancho at Congresswoman Cristina Angeles.

Kapanalig, nararapat sa mga mambabatas na ito na idiskulipika sa puesto at ikulong.

Ika nga sa kasabihan, walang naitatagong lihim..Sinasabi din ng (John 8:32) “The truth will set you free”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,950 total reads

 5,950 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 61,145 total reads

 61,145 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 97,935 total reads

 97,935 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 130,117 total reads

 130,117 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 180,661 total reads

 180,661 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 242,279 total reads

 242,279 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 61,146 total reads

 61,146 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 97,936 total reads

 97,936 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 130,118 total reads

 130,118 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top