Liturgists, pinaalalahanan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,834 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Jose Advincula ang mga diocesan liturgists na ang liturhiya ay isang pagkakataon ng pakikipagtagpo sa Diyos at pagtataguyod sa misyon ng Simbahan. Ito ang mensahe ng cardinal sa pagbukas ng 39th National Meeting of Diocesan Directors of Liturgy (NMDDL) na ginanap sa Manila Cathedral.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang liturhiya ay nagbubuklod sa mananampalataya at nagdudulot ng pakikibahagi sa pag-ibig ng Panginoon.

“In the liturgy, we are impelled to solidarity with our brothers and sisters, especially the poor. In the liturgy, we not only receive and celebrate the love of God; rather, we also share and witness to this love towards our brothers and sisters, especially the deprived, the desperate, and the distressed,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ng arsobispo na ang tunay na pagpupuri sa Diyos ay nasusukat sa pakikilakbay sa mananampalataya, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mundo.

“Worship of God is not only experienced in elation and effervescence, but also when we touch the wounds and filth of the people of today’s world. On the sacred plains of this world, the abundance of our thankful hearts flows towards generosity to our brothers and sisters,” ani ng cardinal.

Tatalakaying tema sa pagtitipon ang ‘Renewing the Church in Hope’ na nakatuon sa “Rediscovering Vatican 2 through the Liturgy.” Tinuran ni Cardinal Advincula ang bundok at kapatagan bilang mga simbolo ng mga banal na lugar kung saan nakakatagpo ang Panginoon.

“Whenever we gather for liturgy, whenever we come together to worship God, we open our hearts to encounter the sacred. We make our lives grounded in our faith. May your mission help our people ascend the interior mountain of faith in their hearts, whereby they can rise above the mundane and enter a horizon of hope,” ani Cardinal Advincula.

Hamon ng arsobispo sa mga dumalo na nawa’y matagpuan sa puso ng bawat isa ang kabanalan sa pagtupad ng misyon ni Hesus sa pamamagitan ng liturhiya, upang maging daan ng paglago ng misyon.
“As liturgical ministers, may you also encounter the mountain and the plain within your hearts and in your significant mission in the Church, so that our people may be rooted in God’s mercy and abound in gratitude and generosity,” aniya.

Kasalukuyang isinasagawa ang pagtitipon ng NMDDL hanggang September 12, na dinaluhan ng 280 diocesan liturgists mula sa 87 ecclesiastical territories ng Pilipinas, lay collaborators at mga mag-aaral ng San Beda Graduate School.

Sa kasaysayan, isinagawa ng Simbahan noong 1962 hanggang 1965 ang Ikalawang Konsilyo ng Vaticano (Vatican II) na pinangasiwaan ni St. John XXIII at ipinagpatuloy ni St. Paul VI. Isa sa pinakamahalagang bunga ng konsilyo ang pagbabago sa liturhiya. Sa pamamagitan ng Sacrosanctum Concilium (1963), ipinatupad ang mga reporma upang mas maging buhay at makabuluhan ang pakikilahok ng mga mananampalataya sa banal na misa. Kabilang dito ang paggamit ng wikang katutubo, aktibong partisipasyon ng mga layko, at ang pagharap ng pari sa mga mananampalataya.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,466 total reads

 2,466 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,277 total reads

 25,277 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,838 total reads

 65,838 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,538 total reads

 92,538 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,803 total reads

 140,803 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,767 total reads

 161,767 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top