Pagtutol ng simbahan sa FTAA order sa Tampakan Mining, dininig na ng Koronadal RTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,289 total reads

Nagsimula na ang unang pagdinig ng Koronadal City Regional Trial Court (RTC) noong September 3, 2025, sa certiorari case laban sa pagpapalawig ng Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) ng Tampakan copper-gold project sa South Cotabato, halos 11 buwan matapos matanggap ang kaso.

Dumalo rito ang mga petitioner mula sa Diocese of Marbel, kasama ang iba’t ibang grupong katutubo at mga magsasakang benepisyaryo ng irigasyon, bilang pagpapakita ng matibay na pagtutol sa kontrobersyal na pagmimina.

Ayon kay Marbel Bishop Cerilo ‘Alan’ Casicas, na siyang lead petitioner sa kaso, layunin ng kanilang pagdalo sa pagdinig na ipakita ang kanilang paninindigan para sa karapatan ng kalikasan at ng mga katutubong pamayanan.

“We want to reiterate that the agriculture, biodiversity, and ecological integrity in over 121,000 hectares of watershed areas is at stake, and the lives of almost 900,000 residents who benefit from,” pahayag ni Bishop Casicas.

Iginiit ng mga petitioner na nagkaroon ng labis na pang-aabuso sa kapangyarihan at tahasang pagpapabaya sa tungkulin sa pag-apruba ng FTAA extension na ginawa lamang sa antas ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at hindi ng Pangulo ng Pilipinas, na siyang tanging may kapangyarihan alinsunod sa konstitusyon.

Dagdag pa rito, binigyang-diin din ng grupo na walang naganap na anumang public consultation na nakatakda sa Local Government Code at Indigenous Peoples Rights Act (IPRA).

Sa paunang pagdinig, tinalakay ng korte ang ilang nakabinbing petisyon ng Sagittarius Mines Inc. (SMI), kabilang ang para sa inhibition ng dating presiding judge na naging dahilan ng paglilipat ng kaso sa ibang sangay ng korte at nagdulot ng karagdagang pagkaantala.

Kasama rin sa pagdinig ang pagsusuri sa supplemental petition ng mga petitioner na isinama ang pinakahuling 18-taong FTAA extension order na iginawad sa minahan.

Sinabi ni Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) Direct Legal Services Coordinator Atty. Rolly Peoro, alam ng publiko na 12-taong pagpapalawig lamang ang iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa expiration ng kontrata noong 2020.

Ngunit nang ihain ang kaso, lumabas na hanggang 2038 o kabuuang 18 taon ang itinagal ng kontrata.

“This extension was issued still at just the level of DENR and not the Office of the President, and still with no public consultations. This extension order was never released publicly despite repeated communications with DENR,” ayon kay Peoro.

Itinakda naman ang susunod na status hearing sa Nobyembre upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa mga petisyon bago tuluyang makapagsimula ang susunod na yugto ng paglilitis.

“As the hearings proceed apace, we call on the Filipino public to be vigilant and see the case through towards a speedy and favorable resolution,” dagdag ni Atty. Peoro.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,233 total reads

 4,233 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,187 total reads

 28,187 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,747 total reads

 68,747 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,331 total reads

 95,331 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,597 total reads

 143,597 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,399 total reads

 164,399 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,090 total reads

 129,090 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top